^

Pang Movies

KC namimili pa kina Luis at Paulo­

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa presscon ng Shoot to Kill: Boy Golden last Tuesday, nilinaw ng leading lady ni Gov. Jeorge “ER” Estregan na si KC Concepcion that she’s not in a relationship right now. Marami ka­sing nali-link sa kanyang guys ngayon at dalawa nga sa pinakamaingay sina Luis Manzano at Paulo Avelino, pero ayon sa young actress, wala raw talaga.

Inamin niyang, pinaka-close sa kanya ngayon sina Luis and Paulo at nasa stage raw siya ngayon na open to friendship and from there, kung may kapupuntahang relasyon, sasabihin naman daw niya sa publiko at hindi niya itatago.

“Of course, siguro, I’m opening myself sa idea na. . . alam mo ‘yun, ayokong tuldukan or ayokong i-limit, ganun. Pero as I go by, nakikilala ko naman ‘yung mga tao at binibigyan ko sila ng panahon para makilala ko rin sila.

“And ‘yun nga, talagang hinihintay ko ‘yung araw na talagang magiging ready na ako mag-commit and masabi ko talaga na “eto na ‘yung boyfriend ko ulit,” say ni KC.

Napangiti naman ang dalaga ni Sharon Cuneta nang may mag-comment na boto raw si Gov. Vilma Santos sa kanya for Luis.

“Alam n’yo, kokonti lang din po kasi siguro ‘yung mga anak ng kilalang tao rin kahit paano na nandito pa rin sa industriya and dalawa kami siguro ni Luis na andito, na halos pareho rin ‘yung. . .na nagho-host din kami and magkasundo kami and kami rin ‘yung halos kahit paano, magka-edad. Kaya rin siguro kami nali-link,” she said.

Sa pelikula ay may kissing scene si KC kay Gov. ER at ayon sa young actress, pinag-usapan daw muna nila ito ni Gov. ER, the producer and the EP (executive producer).

“Pinag-usap kami ni Direk Chito (Roño, the director) nang maayos. Pinagharap kami ni Direk Chito, kami ni Gov. nag-usap kami kasama ng EP, ng producer, and pinag-usapan namin ang mga limitasyon.”

Kasama raw sa limitasyon ang love scenes dahil aniya, hindi raw ito ang tamang venue for that since action film nga ito. Ayon pa kay KC, never pa raw siyang nagkaroon ng love scenes sa mga projects niya.

Ang Shoot to Kill: Boy Golden ay isa sa official entries ng 2013 Metro Manila Film Festival na magbubukas sa Dec. 25. Kasama rin sa movie sina John Estrada, Tonton Gutierrez, Leo Martinez, Gloria Sevilla, Eddie Garcia, and a lot more.

Gov. ER hindi partikular sa kikitain sa Boy Golden

Ayon naman kay Gov. ER, hindi na raw siya umaaasang mananalo pa as Best Actor sa MMFF awards.

Matatandaang dalawang beses nang hindi nasusungkit ng action star/politician ang Best Actor award sa MMFF kaya aniya, hindi na raw siya umaasa pang mananalo this year lalo pa nga’t marami siyang kalaban.

“Marami namang magagaling na kalaban pa. Nandiyan si Rocco Nacino ng Pedro Calungsod, nandiyan si pareng Robin Padilla ng 10,000 Hours,” say niya.

Ang paggawa raw niya ng pelikula kada taon ay commitment niya para makatulong sa entertainment industry partikular na sa mga maliiit na workers sa industriya.

“Kami naman ni Ma’m Maylyn (Enriquez ng Scene­ma Concept), hindi naman kami tumitingin kung kikita o hindi. Basta commitment namin ito na magawa ng isang quality film para makatulong sa industriya ng Pelikulang Pilipino.”

ANG SHOOT

AYON

BEST ACTOR

BOY GOLDEN

DIREK CHITO

EDDIE GARCIA

KAMI

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with