^

Pang Movies

‘Tao lang din kami’ Gov. Vilma naiintindihan ang pananampal ni Anne

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa ginanap ng grand finals ng Voices, Songs, & Rhythms (VSR) sa Batangas Coliseum, Batangas City last Saturday night ay nakausap ng entertainment press si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto at isa sa mga naitanong sa kanya ay kung ano ang maipapayo niya kay People’s Champ at Sarangani Representative Manny Pacquiao sa problemang pinagdadaanan nito ngayon sa BIR (Bureau of Internal Revenue).

Alam naman sa showbiz na dumaan na rin sa matinding BIR problems si Ate Vi noon at hindi niya naman ito itinanggi and said, “Nangyari na sa akin ’yan noon.”

Tulad ni Pacman, na-freeze na rin daw ng BIR ang bank account niya. Ate Vi recalled, taong 1981 iyon.

“Frozen ang pera ko. Kaya ang Viva at ang Regal, kung bayaran ako, cash. Kaya ang pera ko noon nasa maleta, kasi nga frozen ang banko. But with the help of Manay Ichu (Marichu Maceda) and Atty. (Esperidion) Laxa, you know, kung saan kami nagtapos, compromise,” pahayag ni Ate Vi.

Ayon sa Star for All Seasons, she was offered then by the BIR na mag-compromise para maayos ang problema.

“Let’s talk and let’s compromise, ano ang puwede kong gawin. Paano ’yung way of payment na gagawin ko, na willing naman akong magbayad pero baka naman puwedeng konting adjust naman tayo kasi hindi ko kaya ang ganyan kalaki. So, it’s a compromise,” sabi ni Ate Vi.

At ’yun din ba ang maipapayo niya sa boxing champ?

“Sana. Kasi it happened to me. Natapos ang problema ko sa BIR through compromise,” sagot niya.

Say pa ni Gov., one year din daw na naka-freeze noon ang kanyang bank account. At nagbayad siya mula 1981 to 1984.

“Isa ’yun sa nagpalubog sa akin. That time, kung hindi ako nagkakamali, mga two million pesos (ang dapat bayaran),” pag-amin niya.

That time raw ay tanggap siya nang tanggap ng pelikula para may maipambayad siya.

“Walong pelikula sa Viva, walong pelikula sa Regal. And then, ’yung anim no’n, wala akong nakukuha, diretso sa bangko ’yun, sa BIR. Kaya trabaho ako nang trabaho, walang pera. Ganun talaga,” saad ni Gov. Vi.

Ang nangyari raw noon ay mismanagement on her part. Kasalanan ng kanyang accountant na hindi ibinabayad ang tsekeng dapat sana’y sa BIR.

Kuwento niya, “Pumipirma ako ng tseke for BIR, cash. Hindi pala napupunta doon. Pumipirma ako ng tseke, million, cash, knowing na part of that ay napupunta sa BIR. Hindi pala. Eh luka-luka naman ako, one million, pipirma ka, cash? Eh paano, titiyempuhan ako, tulog, pagod na pagod. ‘O, pirmahan mo ‘to, importante.’ Ako naman, sige.”

Ngayon ay hindi na raw ito puwedeng mangyari sa kanya dahil siya na mismo ang nagha-handle ng finances ultimo sa marketing sa bahay nila. Talagang tsinetsek daw niya isa-isa pati ang presyo ng kilo ng manok. Pati raw sa kanyang pamumuno bilang gobernador, bago i-release ang funds ay talagang dino-double check niya.

“Hindi sa nagdadamot. Pero at the end of the day, ‘pag ako ang nakapirma, ako ang mao-Ombudsman (makukuwestiyon) eh. Hindi naman kayo. Dahil ako ang nakapirma. Pero kayo ang nagbibigay ng papel (na pipirmahan). So ganun. Natuto ako,” she said.

Just in case na makita niya si Pacman, ano ang sasabihin niya?

“I mean, let’s face it. Manny is in a way, our hero. Sobra na ang ibinigay niya sa bansa natin. Kung meron man tayong dapat purihin at bigyan ng respeto eh si Manny Pacquiao na ’yun.

“But at the other end, may responsibilidad din tayo. I mean, hindi pupuwedeng balewalain ’yun. Lalo na ang pagbayad ng tax. Dahil talagang batas ’yan. ’Yun ang masasabi ko kasi it happened to me,” pahayag ng actress-politician.

Hindi rin nakaligtas si Ate Vi na mahingan ng opinyon o payo sa mga kapwa-artistang nasa-sangkot sa eskandalo tulad ng sampalan. Of course, without mentioning the name, ang tinutukoy na issue rito ay ang nangyaring pananampal ni Anne Curtis sa isang bar.

“Tao rin kami. ’Yun lang. Tao rin po kami. We’re not perfect. It doesn’t mean na kapag may nagawa kang masama, masama ka na the whole time. Of course not because nothing is perfect. At kahit artista kami, tao rin kami,” paulit-ulit niyang sabi.

Samantala, ang VSR event last Saturday night ay bahagi ng week-long celebration ng 432th founding anniversary ng Batangas. Naroroon din ang asawa ni Ate Vi na si Sen. Ralph Recto at bunsong anak na si Ryan Christian. At star-studded ang affair dahil dinaluhan ito nina Gabby Concepcion, Maja Salvador, Roderick Paulate, Amy Perez (bilang mga host), Jose Mari Chan, Marian Rivera, Jed Madela, Elmo Magalona, at marami pang iba.

       

 

AKO

ALL SEASONS

ATE VI

BIR

KAYA

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with