Isyu sa sampalan, wala nang mapiga
Marami pang kumakalat na kuwento, at mga sinisisi dahil sa nangyari kay Anne Curtis sa isang club sa Makati. Inamin na ni Anne ang kasalanan niya, tama na iyon. Bakit kailangang magdamay pa ng ibang tao, at ipasa pa ang sisi sa iba? Iyan bang nagpapasa ng sisi sa iba, naroroon ba sila at nasaksihan ba nila ang mga tunay na nangyari? Pati si Jake Cuenca na kadarating lang daw, pinagbintangan pa. Si John Lloyd Cruz, kadarating din lang daw para sa isang meeting nasabit pa ang pangalan.
Tama na iyon. Inamin ni Anne ang kaÂsaÂlanan niya. Nakalimutan niya ang proper decorum dahil lasing na lasing siya. Eh ano pa ang pag-uusapan?
Vilma pangangasiwaan ng personal ang 432nd Foundation
Talaga palang malaki ang ginagaÂwa nilang preparasyon para sa 432nd. Foundation day ng Batangas. At take note, personal na nakikialam si GoverÂnor Vilma Santos sa lahat ng paghahanda. Unlike past years na ginawa iyan sa ibang bayan ng Batangas, sa taong ito ay mas gusto niyang sa mismong kapitolyo ng Batangas gawin iyon.
Tama naman siguro si Ate Vi, for better conÂtrol. Kasi kung ipagkakatiwala mo nga naman sa kung saang bayan, minsan nagkakaroon ng problema. Hindi mo naman puwedeng pakialaman lahat dahil ipinagkatiwala mo na sa kanila ang preparasyon eh.
Sabi nga rin ni Ate Vi, maraming purpose ang gaÂgawin nilang kasiyahan. Una, kasi nga iyon ay bisperas ng pista ng Immaculate Conception. Kilala rin naman kasi ang Batangas sa mga sinasabing aparisÂyon ng Mahal na Birhen. Si Ate Vi mismo, devotee ng Mahal na Birhen. Ikalawa nga iyong foundation day ng kanilang probinsiya. Ikatlo, nasabi nga ni Ate Vi na gusto naman niyang magkaroon ng kasiyahan sa Batangas para kahit na papaano ay madama nang maaga ang pagdating ng Pasko.
Puro nga kasi kalungkutan ang mga kuwento nitong nakaraang mga araw. Wala tayong nakikita kung di ang mga biktima ng bagyo, ang masamang ugali ng ibang mga tao sa gobyerno na sa halip na makatulong ay mas pinalalala pa ang buhay ng mga biktima ng bagyo at lindol. Ganoon din ang mga awayan at sisihang nangyayari. Ganoon din iyong dati noong problema na biglang pagtaas ng singil sa kuryente na napakalaki, at pagtaas din ng presyo ng mga produktong petrolyo. Iyang mga bagay na iyan ay hindi na natin mapipigil eh. Kaya siguro nga kailangan na lang nating umisip ng mga bagay na makapagpapasaya sa atin kahit na papaano.
Eh si Ate Vi, artista iyan eh. Entertainer. Kaya nga ang nasa isip niya ay makapagbigay naman ng maagang kasiyahan sa kanyang mga kababayan. Siya mismo ang nangumbida ng iba pang mga artista para maging judge doon sa taunan niyang Voices, Songs, and Rythms, na ang finals ay sa Sabado na rin. Tiyak hit ang event na iyan. May ginawa ba naman si Ate Vi na hindi naging hit? Hindi naman siya kagaya ng pull out queen eh na sa totoo lang ayaw nang ipalabas ng mga sinehan ang pelikula
Starlet kung kani-kanino sumasama para makaraos sa pangangailangan
Naawa naman kami sa isang female starlet. Inamin niya na may hindi siya magandang sideline, pero nagagawa raw niya iyon dahil sa pangangailaÂngan.
Wala naman siyang masyadong kita, pero mataas ang living standards niya dahil artista siya.
Kaya kung minsan napipilitan siyang makiÂpag-date kung kani-kanino para lang mairaos ang kanyang mga pangangailangan. Kawawa naman.
- Latest