Kris nakahinga ng maluwag sa pag-ayaw ng grupo ni Richard sa MMFF
Nagpapasalamat si Kris Aquino na nag-back out ang Be Careful With My Heart bilang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre dahil bawas-kakumpetensiya raw ito sa pelikula ng anak niyang si Baby James o Bimby Yap na My Little Bossings with Vic Sotto and Ryzza Mae Dizon.
Kris thinks na same audience lang sila ng Be Careful With My Heart dahil parehong family movie ito. Kaya naman sobrang relieved niya at nagpasalamat pa kay Richard Yap na isa sa mga bida ng pelikula na hindi sila sumali.
Samantala, ayon naman sa Star Cinema people, good thing daw talaga na nag-back out din sila dahil katulad niyan, nagkaroon ng dengue si Jodi Sta. Maria kaya kung nagkataong kasama pa rin ang pelikula sa MMFF, tiyak na hindi raw sila makakatapos sa deadline dahil matitigil ang shooting.
“So, dahil mangangarag kami, mamadaliin naÂmin ang shooting at magsa-suffer naman ang movie. Ayaw naman naming mangyari ‘yun,†say ni Mico del Rosario ng Star Cinema adprom.
Oo nga naman.
Maja pinairal ang propesyonalismo kaya tinanggap ang kabit na role
For sure ay pagmumulan ng intriga ang role ni Maja Salvador sa bagong serye ng ABS-CBN na Legal Wife na mapapanood na ngayong Nobyembre.
Sa story kasi ay best friend siya ni Angel Locsin (as the legal wife) and eventually ay magkakaroon siya ng affair sa asawa nito na ginagampanan naman ni Jericho Rosales.
Siyempre, one would easily think na parang true to life ang role ni Maja dahil hindi naman lihim sa lahat ang kinahinatnan ng friendship nila ni Kim Chiu dahil kay Gerald Anderson.
Ang kaibahan nga lang, hindi pa naman mag-asawa sina Kim and Gerald kaya definitely ay hindi naman mistress si Maja. And pumasok naman siya sa buhay ni Gerald noong time na matagal nang split ang aktor kay Kim.
But just the same, magkakaroon pa rin ng comparison sa anggulong magkaibigan din ang mga karakter .
Bakit nga ba tinanggap ni Maja ang role?
“I think she’s professional naman. At the end of the day nangibabaw kay Maja ang pagiging professional. This is a role,†paliwanag ni Mico del Rosario ng Star Cinema adprom.
Actually, ang serye ay tumatalakay talaga sa legal wife, ang mga pinagdadaanan nito, ang mga sakripisyo at hirap kung paano panatiliing buo ang pagsasama, ang mga emosyonal na pinagdadaanan, ang insecurities, everything.
Kadalasan daw kasi sa mga uri ng ganitong kuwento, ang mistress ang nadya-justify at hindi ang legal wife. At kadalasan, ang legal wife pa ang mali kaya nangaliwa si mister. So, this time, ang makikita naman natin ay ang point of view ng isang legal na asawa.
“Mas mahirap maging legal wife and sa show na ito makikita n’yo na kung ano pang pinagdadaanan ng isang wife at paano niya laging nilalagay sa konsiÂderasyon ang kanilang anak. Ipapakita sa show na ito kung ano ang kino-consider para i-keep ang relationship, kahit sabihin ng buong mundo na ang tanga-tanga mo na. Bakit siya kumakapit bilang isang asawa o bilang isang ina para i-keep ang faÂmily? That’s what we really wanted to show in the serye,†say ni Henry Quitain, creative unit head.
Ngayong Nobyembre na magsisimula ang Legal Wife mula sa direksiyon ni Rory Quintos at Dado Lumibao. Kasama rin sa serye si JC de Vera as his first ever teleserye sa ABS-CBN.
- Latest