Vilma lumabas ang kredibilidad bilang aktres
Muli naming pinanood ang pelikulang Ekstra, nang imbitahan kami ni Jojo Lim ng Vilmanians para sa kanilang blocked screening ng pelikula sa isang malaking sinehan. Isa lang ang gusto nilang ipakita, “show of force†iyon. Gusto nilang ipakita na malakas at marami pa ang Vilmanians hanggang ngayon at makakagawa sila ng isang hit na pelikula.
Pero iyon nga ang sinasabi namin, kahit na anong dami pa ng fans ng isang artista, ang talagang gumaÂgawa ng hit ay ang publiko. Ano ang punto namin? Maliwanag doon sa kanilang ginawang blocked screening na punung-puno talaga ang sinehan at nakita iyan ng maraming press people na kanilang kinumbida rin pero pagkatapos ng screening na iyon, alas diyes na ng gabi, may isa pang screening na kasunod at mahaba rin ang pila. Bakit sila naroroon ng gano’ng oras? Bakit sila nanood sa blocked screening ganung may pagkakataon pa silang makita ng personal si Gov. Vilma Santos?
Ang mga nanood kasi ng gabing iyon sa last screening ay hindi na masasabing Vilmanians, iyon ang publiko na talaga na siyang gumagawa ng hit ng isang pelikula. Siguro gusto nila si Vilma. Siguro gusto nila ang narinig nila tungkol sa pelikula.
Iyan naman ang lamang ni Vilma kasi nga hanggang ngaÂyon ay suportado siya ng publiko. Kung wala ang public support, aba, eh mangyayari nga na pito lang ang manonood ng pelikula mo. Diyan mahalaga ang kredibilidad ng isang artista kasi purihin ka man hanggang langit ng mga kampon mo, kung wala ka ring kredibilidad sa publiko, hindi ka makakagawa ng isang hit movie. Kaya ang mga hit moÂvie, nakasalalay ’yan sa kredibilidad ng isang artista.
Kailangang maniwala ang mga tao na basta pinaÂnood ka nila, sila ay masisiyahan. Hindi pa naman nila alam kung ano ang mapapanood nila bago sila pumasok ng sinehan eh pero naniniwala sila na mahusay ang artista kaya pinanonood nila. Naniniwala silang maganda ang pelikula kaya naroroon sila. Naniniwala silang hindi sayang ang ibabayad nila.
Ganyan din naman sa telebisyon. Sa panahong ito na napakamahal ng singil sa kuryente, in fact, tayo na nga yata ang may pinakamahal na singil ng kurÂyente sa buong Asya, hindi ka manonood ng TV show kung hindi ka naniniwala na masisiyahan ka sa mapapanood. Kaya ang mga artistang ang TV show ay bumabagsak na ang ratings, wala ring kredibilidad.
Mommy Inday ni Gretchen gumanti, wala na ring pakialam
Nakakalungkot naman ang naging sagot ni Inday Barretto nang hingan siya ng comment sa sinabi ni Gretchen na ayaw na niyang mag-comment at wala na siyang pakialam sa nangyayari sa kapatid niyang si Claudine kasi parang pinaalis na nga siya sa pamilya nila.
“Wala rin akong pakialam,â€sabi ni Inday.
Siguro naman kahit na nga may sigalutan silang personal, si Gretchen ay anak pa rin niya at hindi niya maikakaila iyon. Ang mga ganyang statement ay parang nakakalungkot lang dahil wala na talaga tayong pagpapahalaga sa ating pamilya.
Artista na pinakakawalan at may ‘babay’ pa, senyales na laos na talaga
Ano ang mga sign na laos na ang isang artista? Una, dumadalang na ang mga offer. Ikalawa, hindi na masyadong pinag-uusapan. Kung may TV show, palipat-lipat na ang oras kasi natural lang na ilagay ng network ang mga show na mas may panlaban sa magandang oras. Oras na sila ay umalis sa kumpanya ng pelikula o network, hindi na sila pinipigilan.
May kasunod pang matamis na “babayâ€. Ibig sabihin kapag ganun, laos ka na.
- Latest