Ekstra pinag-uusapan hanggang hospital
God is good all the time.
Hindi pa ako fully recovered pero heto at buhay ako, mula sa mild attack ng high blood, diabetes at pneumonia. Grabe, malay ko bang nagpa-passout na ako noong Agosto 4, Sunday morning nasa bahay ako sa Laguna. Ganun pala, parang kung sinu-sinong kaluluwa sa paligid, ‘yun pala mga kapamilya at kapitbahay ko na isinugod ako sa Greenpasture Clinic in Golden City, Sta. Rosa, Laguna. Nag-200 ang BP ko at 36 counts ang aking sugar.
Grabe, naitakbo ako sa Greenpasture pero nilabas ako dahil hindi kaya ng facilities ang nangyari sa akin, kaya, naisugod ako sa Quezon City General Hospital courtesy of Mayor Herbert Bautista ang producer-actor ng pelikulang Raketeros at ang kanyang partner na si Tates Gana.
Salamat din sa concern ni Mrs. Imelda Papin at lahat ng mga friends in Sta. Rosa, Golden City, mga kakosa, Nitz Miralles, Gorgy Rula, TV5 Corporate (Judy, Peachy, Karen, at iba pa). PMPC President Fernan Guzman, Linda Rapadas, Vero Samio, Rodel Fernando, Ethel Ramos, Virgie Balatico, at sa lahat ng PMPC members. Gayundin kina Meng, Joey, Cecil, Jimmy, Merci, Vhong at iba pa. A million thanks.
Talk of the hospital ng Quezon City General si Ate Vi, the one and only ever actress Governor Vilma Santos-Recto, the star of Batangas na anak ang turing sa mga Batangueño-geña.
Pinag-uusapan ng isang grupo ng mga estudyanteng nurse habang nagrerekorida sa wards ng pasyente at ginagawa ang kanilang dapat gawin sa mga pasyente bilang kredito sa kanilang mga aralin sa pagiging nurse ay kanilang usap-usapan ang pelikula ni Ate Vi na Ekstra (Quantum-Star Cinema). Akalain ko bang may showbiz talks sa aking pagkakahiga na supposed to be may I go out na dahil four days na akong nasa ospital at boring na ang life sa pagkaratay sa kama, nang bigla kong marinig ang pangalan ng Star for All Seasons. E, nagkataon pang maalala ko na may presscon ang Ekstra that day na invited ako pero no way to go out.
Patotoo nga naman, na ang magaling na artista, kahit hindi madalas makita sa pelikula, once na nagbalik ay talagang pag-uusapan. Directed by Jeffrey Jeturian ang Ekstra ni Ate Vi.
Pahabol...
Salamat sa lahat ng mga nurse at doktor, especially kay Dr. Donna Ricca Hornilla, ang galing! Malinis ang pasilidad ng Quezon City General Hospital, may kahigpitan daw ang mga guwardiya, maganda naman, at alam nating nag-iingat din sila sa bad elements.
Mabuhay kayo! Ituloy niyo ang magandang serbisyo sa publiko.
- Latest