Batas na lumilikha sa mga National Artist panahon na para repasuhin
Talagang tuluyan na ngang pinawalang saysay ng Korte Suprema ang deklarasyon ng dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo na gumawang National Artists kina Cecille Guidote-Alvarez, Francisco Manoza, Pitoy Moreno, at director-writer Carlo J. Caparas. Sa kanilang pinalabas na desisyon, sinabi ng Korte Suprema na ang dating presidente ay gumamit ng “grave abuse of discretion†nang isama niya ang pangalan ng apat sa mga National Artist kahit na hindi naman sila nominado ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Sa ilalim ng batas, ang National Artists ay pinipili ng CCP at ng NCCA at isinusumite lamang sa paÂnguÂlo ng Pilipinas para pagtibayin at ideklara. Ang mga National Artist ay tumatanggap ng napakaliit lang namang pension na dalawampung libong piso sa isang buwan, bukod sa karangalang matawag na isang artista ng bayan, at binibigyan ng pribilehiyo sa kanilang pagyao. Pinapayagan silang ihimlay sa Libingan ng mga Bayani, bukod sa pinararangalan sa Cultural Center ng Pilipinas.
Pero maliwanag naman ang desisÂyon ng korÂte. Sinabi nilang nagkaroon ng grave abuse of disÂcretion si Mrs. Arroyo pero wala naman silang sinabi na ang apat ay diskuwalipikado na bilang National Artists. Ibig sabihin, maaari pa rin silang bigyan ng ganoong parangal pagdating ng araw kung mapipili nga sila ng lupon ng CCP at NCCA.
Marami ang nagpapanukala na panahon na para repaÂsuhin ang batas na lumilikha sa mga National Artist. Marami ang nagsasabing kailangang ilagay din doon na ang mga mapipili ay hindi dapat na magkaroon ng kuwestiyong moral o maglagay sa Pilipinas sa isang nakakahiyang sitwasyon.
Ang ganyan namang paniniwala ay lumabas matapos na umugong noon ang kampanya para maideklarang isang National Artist ang isang artistang nahuli at nakulong sa ibang bansa dahil sa kaso ng droga na siyang sinasabing nagbigay ng kahihiyan sa Pilipinas. Mas nakakahiya nga naman kung masasabing may National Artist tayo na ganoon ang naging record.
Jolina at asawa magkaibang gender ang gusto sa magiging panganay nila
Ngayon si Jolina Magdangal at ang kanyang asawang si Mark Escueta na nga ang nagbigay ng kumpirmasyon na buntis na ang singer-actress. Sinabi rin nila na kailangang tumigil muna si Jolina sa kanyang career at kailangang magpahinga dahil iyon ang payo sa kanya ng kanilang doktor.
Dahil diyan, hindi na muna mapapanood si Jolina sa lahat ng kanyang TV shows hanggang sa matapos siyang makapanganak.
Lalaki ang gustong maging anak ni Jolina. Babae naman ang gusto ni Mark na maging unang baby nila. Pero kapwa sila nagsabi na kung anuman ang ibigay sa kanila ng Diyos ay ikasisiya nila.
Aktor nagbabakasyon sa abroad kasama ang bagong baklang BF na konektado sa communications business
Pinagtsitsismisan nila ang isang aktor na diumano ay nagbabakasyon ngayon sa abroad kasama ng kanyang “boyfriendâ€. Sinasabi nilang ang bading na boyfriend niya ngayon ay hindi na iyong dating male model na matanda na. Ang gay boyfriend niya ngayon ay isa raw bata pang negosyante na connected sa communications business.
Sinasabi na ang nauna niyang gay boyfriend ang dahilan kung bakit siya nakakuha noon ng mga commercial endorsement, na ngayon ay naagaw na sa kanya ng isang mas batang aktor na ipinalit naman sa kanya ng dati niyang gay benefactor. Ang mga bakla talaga, ang gulo ng buhay.
- Latest