TF ni Gov. Vi mas malaki pa sa budget ng kanyang Ekstra
Napakataas ng expectations ng mga indie viewer sa pelikulang ginawa ni Gov. Vilma Santos. Natural lang naman iyon dahil para sa kanila ay napakalaking proyekto ng pelikulang iyan dahil sa pagkakaÂsama ni Ate Vi. Ngayon lang siya gumawa ng isang indie, ang Ekstra. IÂyon kasing mga artistang kagaya niya na kumikita ang mga mainstream movie na ginagawa, hindi gumaÂgawa ng mga pelikulang indie.
Iyon nga ang isang dahilan kung bakit hindi makaangat ang mga pelikulang independent sa ating bansa. Una, karamihan sa mga pelikulang iyon, halos lahat ng mga indie noong simula ay kuwento lamang ng mga bakla kasi wala ngang gustong mamuhunan sa mga ganoong pelikula dahil hindi naman kumikita. Maski ang mga mainstream movie noon na ginawa ng mga malalaÂking director tungkol sa mga bakla ay hindi rin naman kumita.
Ikalawa, iyon nga ang sinasabi ng mga tao. Ang lumalabas na mga artista sa mga inÂdie film ay mga “has beenâ€, mga “never was†o kaya ay “never will beâ€. Wala ang maÂlaÂlaking stars na talagang hinahabol ng mga tao. Kaya nga ang pagpasok ni Ate Vi sa isang pelikulang indie, shot in the arm ’yan para sa mga ganoong uri ng pelikula.
Sa kanila ay napakalaking bagay na ’yun. Bagama’t doon naman sa mga sanay sa tunay na pelikula, masasabing ’yan ang pinakamaÂliit na pelikula ng Star For All Seasons. Isipin ninyo na ang puhunan diÂyan ay tatlo’t kalahating milyon lamang. Sa panahong ito, ang isang malaking pelikula ay umaabot na sa P25 milyon ang puhunan. Kahit naman noong araw na mura pa ang pelikula, hindi naman gumawa si Ate Vi ng ganyan kaliit na proyekto. Noong panahong ang isang pelikulang black and white ay natatapos sa halagang P80,000 lamang, ang mga pelikula ni Ate Vi ay halagang P120,000 na ang pinakamaliit.
Kaya nga marami ang nagsasabi na ang kabuuang budget ng pelikula niyang indie ay hindi pa maitatapat sa talagang talent fee niya kung ang gagawin niya ay isang tunay na pelikula.
Kung pagsasamahin mo nga ang talent fee niya sa kanyang TV show lamang noong araw sa loob ng isang buwan, mas malaki pa sa kabuuang budget ng indie film na ginawa niya ngayon eh. TingÂnan natin kung ano ang magiging resulta ng pagpasok niya sa indie scene. Gusto niya ’yan eh kasi nagustuhan niya ang kuwento at gusto niyang maranasan kung paano nga bang gumawa ng low-budget films.
Jackie wala nang pag-asang makapiling ang mga anak
Hindi naman pinanood nina Andrei at Kobe Paras ang video na ini-upload ng nanay nilang si Jackie Forster na humihingi ng kanilang pang-Âunawa sa nangyari sa kanilang pamilya.
Ngayong malalaki na ang mga bata at nakagagaÂwa na ng sarili nilang desisyon. Mukhang malabo na ang gusto ni Jackie na makuha sila kasi kung maÂliliit pa silang bata, pinapaboran ng batas ang panaÂnatili nilang kasama ng kanilang ina.
Female model walang kamalay-malay na ginagamit lang ng baguhang aktor na lalaki rin ang gusto
Walang kamalay-malay ang isang magandang feÂmale model na ginagawa lamang siyang cover up ng isang poging newcomer para itago ang kanyang totoong gender preference.
Ang kawawang female model ay mukhang naniÂniwalang talagang in love nga sa kanya at in love na in love rin naman siya sa baguhang new actor na mukhang lumalabo na naman ang movie at TV career.
- Latest