^

Pang Movies

Sen. Ralph ineendorso ang indie film ng Star for All Seasons

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sa kabila ng pagpiga ng mga local media kay Governor Vilma Santos na magsalita tungkol sa kanyang political plans pagkatapos ng kanyang hu­ling term bilang gobernador ng Batangas, wala pa ring sinabi ang Star for All Seasons kasi nga talaga namang wala siyang masasabi. Wala siyang plano at hindi na niya pinag-iisipan ang mga bagay na iyon.

Pero iginiit pa rin sa kanya, noong una ay ayaw niyang maging mayor, ngunit naka-tatlong term din siya. Pagkatapos ay ayaw na niya talaga pero pinilit siya ng mga tao na tumakbong gobernador at ngayon nga ay ikatlong termino na niya at nairehistro pa niya ang pinakamalaking kalamangan sa nakaraang eleksiyon sa buong history ng Batangas. Bukod doon siya ay may approval ratings na 94.5%, na siyang pinakamataas na approval rating na nakuha ng sinumang opisyal ng gobyerno sa buong Pilipinas.

Kaya ang sinasabi nga nila, baka naman kahit ayaw na niya ay pilitin siya ng mga mamamayan na tumakbo sa isang mas mataas na posisyon. Doon naman sumagot ang gobernadora na kung siya raw ang tatanungin ay ayaw niyang iwan ang Batangas. Naroroon ang possibility na tumakbo siya sa isang mababang national position kung sakali.

Pero ang mas gusto nga niyang mapag-usapan ay ang pelikula niyang Ekstra. Ngayon ay aminado na si Ate Vi na halos nga wala siyang kinita sa pelikulang iyon. Iyon nga raw mga guest nila nahihiya siya dahil pumayag ang mga iyon na lumabas nang wala ring bayad. Eh ano nga naman ang aasahan niya eh iyong kabuuang budget ng indie film kung iisipin ay mas maliit pa sa karaniwang talent fee na kanyang natatanggap. Eh kesa nga naman “magbagsak presyo” siya kagaya ng ginagawa ng ibang mahigpit ang pangangailangan. Mabuti pa na wala na lang bayad. After all, gusto nga raw niya ang istorya at saka parang tribute na niya iyon sa mga pinakamaliliit na manggagawa sa industriya ng pelikula na nakasama naman niya nang mahabang panahon.

May dalawa pang malalaking pelikula na naghihintay kay Ate Vi at sabi nga niya, malamang na sa buwang ito ay makipag-meeting na siya kay Malou Santos ng Star Cinema para pag-usapan iyon o kung anuman ang uunahin niya sa dalawang iyon. Alam naman ninyo si Ate Vi, kahit na sabihin sigurong sanay na siya sa kapitolyo, basta ganyang nagsisimula siya ng bagong term gusto niya na doon na lang muna siya dahil siyempre iba na naman ang mga kasama niyang tao. At hindi naman lahat iyon ay kabilang sa kanyang partido. Ang nakakatuwa nga lang, maging ang mga nagmula sa kalabang partido ay naroroon sa oath-taking ceremonies na ginanap noong Biyernes para manumpa sa kanya mismo.

Ang natawa naman kami, maski na si Senador Ralph Recto ay nagsabing sana naman ay suportahan ang pelikulang ginawa ng kanyang asawa. Hindi niya ginagawa iyon sa ibang mga pelikula ni Ate Vi na siya pa mismo ang nag-eendorso. Pero siguro nakikita niya kung ano ang gustong mangyari ng kanyang asawa.

Isipin ninyong kung ilang araw din naman ang shooting ng Ekstra at talagang pagod din naman si Ate Vi at ginawa nga niya iyon ng libre bilang tribute lang niya sa mga extra na nakasama niya sa pelikula simula pa noong araw.

May iniaalok pa nga raw sa kanyang teleserye pero iyon ay siguradong hindi na niya magagawa dahil alam naman natin ang mga ganyang serye, tatlong araw sa isang linggo ang taping at hindi naman maaaring ganoon siya kadalas na mawala sa Batangas.

Basta ang sinasabi lang ngayon ni Ate Vi, pagbubutihan pa niyang lalo kung anuman ang dapat niyang gawin sa kanilang lalawigan. Kabisado naman niya ang mga problema sa Batangas at inaamin naman niyang may mga kakulangan pang dapat na ayusin.

ATE VI

BATANGAS

IYON

NAMAN

NIYA

NIYANG

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with