Bagong show ni Derek itinago?!
Totoo ang tsismis na magkasunod na magsisimula sa Lunes, July 1, ang Undercover at ang Misibis Bay, ang mga bagong primetime show ng TV5.
In fairness sa TV5, nagpatawag sila ng bonggang presscon para sa Misibis Bay noong Martes.
Hindi pa nagkakaroon ng presscon ang TV5 para sa action-serye ni Derek Ramsay pero nag-imbita sila ng mga reporter sa set ng Undercover.
Walang katotohanan ang mga pang-ookray na inililihim ng Kapatid Network ang Undercover.
Takot magkaroon ng buntisan, Magka-love team na may relasyon, guwardiyado ng mga magulang
Guwardiyado ng kanilang mga magulang ang young actor at young actress na magka-love team.
In love na ang mga bagets sa isa’t isa kaya worried ang mga magulang nila na baka may buntisan na mangyari. Mabuti na ang nag-iingat kesa masira ang career at buhay ng mga young star na kapusukan ang pinaiiral.
Chanda Romero tumatayong konsyensiya
Si Chanda Romero ang konsyensiya ng My Husband’s Lover.
Maganda ang role ni Chanda sa My Husband’s Lover dahil tanggap nito ang kabadingan ng kanyang anak na ginagampanan ni Dennis Trillo pero hindi niya kinukunsinti ang kalandian at ang pakikipagrelasyon ng anak sa isang lalaki na may asawa at mga anak na.
Unang pinapanood ng Catholic Bishops’ ConÂference of the Philippines (CBCP) ang My Husband’s Lover, makikita nila na balanseng-balanse ang kuwento ng gay teleserye ng GMA 7.
Sa true lang, nakatulong ang pagbatikos ng CBCP sa My Husband’s Lover dahil lalong tumataas ang rating nito. Gabi-gabi rin na trending sa social media ang pinag-uusapan na gay teleserye ng Kapuso Network.
Vilma kinakabahan sa taas ng expectations sa indie film
Kinakabahan si Batangas Governor Vilma Santos sa nalalapit na showing ng kanyang unang indie movie, ang Ekstra.
Nakakaramdam ng pressure si Mama Vi dahil nakarating sa kanya ang balita na marami ang pumupuri sa trailer ng Ekstra at sobrang taas ng expectations ng mga tao sa first indie film niya.
Normal ang nararamdaman ni Mama Vi pero hindi siya dapat ma-pressure dahil subok na ang husay niya sa pag-arte. Napanood ko na ang trailer ng Ekstra at talagang very promising ang pelikula.
Pinoy Henyo ginamit sa bagong show
Binoy Henyo ang title ng show na ipapalit sa Home Sweet Home na malapit nang mag-goodbye sa ere.
Baguhan na child actor ang bida sa Binoy Henyo. Starring din sa bagong fantaserye ng GMA 7 sina Sheena Halili at Nova Villa.
Ewan ko lang kung may permiso ang paggamit sa pamagat na katunog na katunog ng Pinoy Henyo, ang sikat na game segment ng No. 1 noontime show ng bansa, ang Eat Bulaga. May iba pa ba?
Krystal masarap tulungan
Ang sabi sa akin ni Krystal Reyes, naging close sila nina Joyce Ching at Barbie Forteza sa set ng Anna Karenina ng GMA 7.
Nang tanungin ko si Krystal kung saan nag-aaral sina Joyce at Barbie, wah niya knows ang sagot. Friends ba ang tawag sa ganoon?
Tawa nang tawa si Krystal dahil alam niya na joke lang ang pang-ookray ko sa kanya.
Magaan ang loob ko sa bagets dahil mabait siya at very pleasant ang personality.
Ibang-iba siya sa mga young actress na feeling sikat pero walang career.
Ang mga kagaya ni Krystal ang masarap tuluÂngan dahil humble siya at marunong tumanaw ng utang na loob. Wish ko na magtuluy-tuloy ang bonggang takbo ng kanyang acting career sa Kapuso Network.
- Latest