Gov. Vi kawawa ang hitsura sa indie film
Lumabas na via YouTube ang trailer ng kauna-unahang indie film ng Star For All Seasons na si Ms. Vilma Santos na may titulong Ekstra/The Bit Player na produced ng Quantum Films.
Nai-post ito last June 6 at nakakuha na ito ng 37,000 views. Impressive ang trailer at maganda ang pagkakadirek ni Jeffrey Jeturian kay Ate Vi na gumaganap bilang si Loida na nagtatrabaho bilang isang ekstra sa pelikula.
Pinakita rin sa trailer ang mga eksena ni Ate Vi kasama sila Marian Rivera, Piolo Pascual, Cherie Gil, Richard Yap, Cherry Pie Picache, Eula Valdes, Tart Carlos, at Pilar Pilapil.
Isa ito sa mga official entries ng Director’s Showcase section sa 9th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa July. Hindi kami magtataka kung manalo si Ate Vi sa pelikulang ito.
Deglamourized dito si Ate Vi at kitang-kita pa lang sa trailer na pinaghirapang gampanan ni Ate Vi ang role ng isang movie ekstra.
Eula may ka-travel buddy na
Happy si Eula Caballero dahil sobra-sobra ang suporta ng TV5 sa kanyang career. Kahit noong May 23 pa ang birthday niya, binigyan siya ng debut party ng Kapatid network a few days ago.
Walang reklamo si Eula dahil bongga ang show na pinagbibidahan niya na Cassandra: Warrior Angel at kasama rin siya sa Lokomoko U na nag-celebrate lang ng kanilang anniversary.
“Wala po akong maiku-complain sa suporta ng TV5 sa akin. Nandiyan sila at magaganda parati ang mga projects nila sa aming lahat,†ngiti pa ni Eula.
Sa edad na 18 years old, imposibleng walang manliligaw si Eula. May nababalita ngang boyfriend at ito ay ang kasamahan niya noon sa Star Factor na si Christian Samson.
Though wala namang inaamin pa si Eula, sinabi naman niyang best friend niya si Christian at travel buddy niya ito.
Film produ pinahihirapan ng dalawang artistang tinulungan
Hindi masimulan ng isang film producer ang sequel ng kanilang pelikula na naging big box-office hit ilang taon na ang nakaraan, hindi dahil sa wala pang script, kundi may grabeng attitude problem na ang ilang kasama sa cast.
Wala raw problema ang produ sa tatlong miyembro ng cast dahil ready sila to shoot anytime. Ang problema lang ay ang dalawang kasama sa major cast na maraming mga hinihiÂling at humihingi ng dagdag sa kanilang talent fee.
Medyo disappointed ang produ dahil imbes na pakikisama ang ipakita ng dalawang artista na ito, nagpapakita sila ng pagbabago ng ugali nila.
Kaya ang produ, imbes na ma-excite na gawin na ang sequel ng pelikula, nais na lang itong i-shelve dahil nakikita na niyang magiging problema ang dalawang artista niya.
Gagawa na lang daw ito ng bagong pelikula kesa sa makipagtrabaho pa siya sa dalawang artista na walang pinapakitang pakikisama at pagtanaw ng utang na loob.
- Latest