Mga Pinoy film sa Cannes nagtagumpay sa kanilang misyon
Kahit walang inuwing parangal ang mga Pilipinong dumalo sa 66th Cannes International Film Festival nagtagumpay naman sila na ipadama sa buong mundo ng film industry na mga world-class movie ang mga gawang Pinoy.
Ang On the Job sigurado na sa commercial exhibition sa USA. Ang Norte: Hangganan ng Ka-say-sayan ay nakatanggap ng five-minute standing ovation after its screening sa Cannes at nahanay pa sa mga strongest contender sa mga naglaban sa best film award.
Hinangaan pa ang Death March na nasa competition proper din at ang digital version ng Maynila sa mga Kuko ng Liwanag. Kung hindi rejec-ted ang Ekstra, bida si Vilma Santos, baka anim na Filipino films pa ang gumawa ng magagandang eksena sa Cannes.
Mader tinanggihang manligaw sa anak ang young actor NA hindi pinatikim!
Sino naman ang mader na tinanggihan ang isang young actor na manligaw sa kanyang anak na starlet?
Ang tunay na dahilan, tumangging patikim sa kanya ang bagets. Balita kasi na mahilig sa mga fresh blood ang nanay na ang bansag ay vampira! Siyempre naman rejected siya ng aktor sapagkat parang pumatol na rin siya sa sariling ina kung pati ang kanyang would be mother-in-law ay pinatos pa niya.
Palibhasa maraming barkadang bading kaya pati ang taste niya sa menchu naimpluwensiyahan ng mga baklesh.
GMA 7 pinakamaraming bagong palabas
Nagkakasabay na ang media launch ng mga bagong palabas ng dalawang major network. Nailunsad na ang Anna Karenina at Mga Basang Sisiw ng GMA 7. Ayaw pahuli ang ABS-CBN, nag-host naman ng presscon para sa Queen of Teledrama na si Judy Ann Santos for Huwag Ka Lang Mawawala.
Sa mga darating na araw next week, tiyak na marami ang bagong show na ipapahayag ang dalawang leading channels. Nauna na ang TV5 na pahayag ng Guy & Pip reunion sa teleseryeng When I Fall In Love.
Sa tatlong major networks, higit na maraming bagong palabas ang bubuksan ng Siyete. Pati ang papalit sa Party Pilipinas hinihintay na rin ng viewers, habang going strong pa ang ASAP.
Valerie babagayan ng maraming teledrama sa GMA
Lumipat na pala si Valerie Concepcion. Kasama kasi siya sa Anna Karenina ng GMA 7. Kung wala naman siyang bagong assignment sa dating home channel, karapatan naman niyang humanap at tumanggap ng trabaho sa dating home station niya.
Sexy and talented si Valerie kaya’t maraming teledrama roles ang babagay sa kanya. Madali rin siyang magpa-sweet dahil mahusay na aktres kaya’t lahat ng klaseng papel ay magagampanan niya ng buong husay.
Vic at Pauleen hindi pa sigurado sa isa’t isa
Nagulat kami sa isang showbiz headline na si Pauleen Luna ang last girl ni Vic Sotto. Iba kasi ang dating sa mga reader. Ang naisip tuloy namin, matagal pa ang buhay ni Bossing at maaari pa siyang magkaroon ng marami pang girlfriends after the Renew Placenta girl.
Noong buhay pa ang Comedy King na si Mang Dolphy, ilang ulit din naisulat na huli na ang kanyang current partner. Noong tumuntong na siya ng 70 saka lamang kami naniwala na panghu-ling babae na nga sa buhay niya si Zsa Zsa Padilla.
Wala pa namang 60 years old si Vic kaya marami pang mangyayari sa kanyang love life. Si Pauleen naman, higit na mas bata at posibleng umibig din siya sa iba in the near future.
Musical ng buhay ni Marco Polo sinulat ng Pinoy
Sinulat ng Pinoy na si Rogelio Saldo Chua ang stage musical na Marco Polo: Untold Love Story, The Musical at takdang ipalabas sa West End, London at Broadway, New York.
Lahat ng 50 international cast members ng up-coming musical ay nasa workshop upang pag-han--daan ng husto ang opening nito sa West End. Magkakaroon ng Marco Polo invitational concert sa ating bansa, on Aug. 10, sa Meralco Theater sa Ortigas, Pasig City. Ang stage musical naman ay sisimulan sa February 2014 sa London, England.
Si Marco Polo na explorer from Venice ang nagdala ng pansit o noodles (na tinawag nilang pasta) sa Italy bukod pa sa maraming bansang kanyang natuklasan sa Asia.
Kung gusto ninyong panoorin ang Marco Polo sa West End, maaari nang gumawa ng mga travel reservation ngayon. Sana maka-attend kami sa gala night nito on February 1st.
- Latest