Juday sinupalpal ang pagiging bulol ni Sam
Puring-puri ni Judy Ann Santos ang mga co-star niya sa Huwag Ka Lang Mawawala na sina Sam Milby at KC Concepcion. Pero may tsika na intimidated ang dalawa kay Juday kaya natanong ang Queen of Teleserye kung paano ang ginawa niya para ma-relax ang mga kasamahan.
“Wala. Dinededma ko lang sila,†say ni Juday at saka natawa.
“Hindi, kasi magkakaibigan naman kami. Even before na nag-start kami ng taping nagkikita kami paminsan-minsan sa isang lugar, ganyan, tsikahan.â€
Dagdag pa ng aktres, siguro ay naninibago lang sila sa mga karakter nila sa soap dahil si Sam first time na magiging kontrabida. Si KC, ganun din. So, parang hindi raw nila alam kung paano nila ipupuwesto ’yung sarili nila.
“Si Sam naman, ang sabi niya sa akin, nabubulol siya kapag nandiyan ako. Sabi ko, ‘Ay hindi, Sam, sadyang bulol ka lang. Huwag mo akong sisihin. Huwag kang nandadamay.’
“Hindi, pero in fairness naman kay Sam, sobrang makikita mo sa kanya ’yung… alam mo ’yun? ’Yung effort niya talaga na mag-Tagalog.
“At saka sa lahat yata ng trabaho ni Sam dito sa ABS-CBN, ito na yata ang pinakamasasabi kong pinaka-talagang trinabaho niya at in-effort-an niya nang bongga kasi talagang ang husay ng trabaho ni Sam dito,†masayang kuwento ng aktres.
Ang pinakamalaking challenge naman niya sa seryeng ito ay ang matutunang pigilin ang luha. As we all know, isa si Juday sa mga aktres nating napakadaling magpatulo ng luha sa kanyang mga serye. Pero rito raw ay natutunan nga niya na pigilin iyon.
“At saka kailangan ko talagang baguhin ang karakter ko para ibang-iba sa mga napanood na ng mga tao. I guess the character is not hard but studying for that part is the hardest thing for me dahil ang tagal kong nawala, ’tapos nung first taping day namin kinakabahan ako, nahirapan ako sa mga breakdown scene.
“’Pag masyado ka kasing masaya, parang ang hirap humugot, lahat na yata pinatay ko na sa isip ko, hindi pa rin ako maiyak. Ang hirap. Normally, hindi ako inaabot ng fifteen minutes to motivate. Pero nung time na ’yun na nag-motivate ako sa breakdown scene, inabot ako ng fifteen to twenty minutes kasi hindi ko alam kung paano ko siya huhugutin. Siguro ’yun ’yung pinakamahirap,†pag-amin ni Juday.
Twenty seven years na ang aktres sa industriya at nang matanong kung ano ang kanyang sikreto sa kanyang tagumpay at pananatili sa showbiz, sabi niya, “I guess it’s in the cheeks.†Kaya nagtawanan lahat.
Matatandaang dati pa ay kinakantiyawan na ang bilugang mukha ni Juday at matatambok niyang pisngi.
“’Di ba sa Chinese masuwerte raw ang bilog? Eh may tatlong bilog ako sa mukha,†natatawa niyang sabi.
Little Juan dinudumog din ng fans tulad ni Coco
Humataw agad sa national TV ratings ang pagbubukas ng kuwento ng Kapamilya Gold teleserye ng ABS-CBN na My Little Juan na pinagbibidahan ng Kapamilya child wonder na si Izzy Canillo.
Ayon sa datos ng Kantar Media noong Lunes (Mayo 20), nakakuha ang pilot episode ng My Little Juan ng 17.3% national TV ratings habag ang katapat nitong programa sa GMA na Unforgettable ay nakakuha ng 7.6%.
Samantala, tulad ng bida ng Juan dela Cruz (JDC) na si Coco Martin, pinatunayan ni Izzy ang lakas ng karisma niya sa mga tao dahil last Sunday ay dinumog din siya ng fans sa ginanap na fans day ng Juan dela Cruz at My Little Juan sa Aliw Theater sa Pasay City.
Very successful ang fans day na tinawag na Juan Fun Day dahil sa rami ng taong sumugod sa Aliw Theater as in pila-balde talaga.
Pati ang mga JDC item na for sale sa lobby ay mabilis na na-sold out lalung-lalo na ang espada ni Juan na umiilaw. Needless to say, ganun katindi ang popularidad ng serye.
Ang nasabing fans day ay pasasalamat ng buong production team ng Juan dela Cruz sa nag-uumapaw na suporta sa serye ng manonood. Kumbaga ay ibiÂnabalik lang nila sa mga tao ang pagmamahal na ibinibigay ng mga ito sa kanila.
- Latest