Martin naka-pitong taon sa manager na walang pinirmahang kontrata, kahit magulang ’di nakapag-witness
Nilayasan na rin pala ni Martin Escudero ang talent manager na si Popoy Caritativo. Kung sa bagay marami pa namang malalaÂking artista na naiwan sa kanya. Iyong pagkawala ni Marian Rivera ay may epekto nga siguro sa income ng kanyang management firm pero ang pag-alis sa kanya ni Martin, baka hindi naman niya indahin dahil hindi naman gaanong kalakihang artista, at hindi rin naman ganoon kalaki ang kita.
Pero parang damaging iyong sinasabi ni Martin na wala siyang nakitang anumang kontrata niya sa loob ng pitong taon na under siya ni Popoy. Nagkaroon lang siya ng kopya niya ng kontrata niya sa TV5 nang humingi sila sa TV5 mismo. Lahat ng iba ay wala silang record.
Puwede ba naman iyon na ang talent mismo ay walang alam sa mga dapat niyang gawing proyekto dahil ni wala siyang hawak na kopya ng mga kontrata niya? Puwede ba naman iyong maski ang mga magulang ng talent ay hindi pumipirma sa mga kontrata bilang witness man lang para maipakitang alam nila ang pinapasok ng kanilang anak? Teka, isipin natin ’yan.
Gov. vi makakapahinga na
“Ilang araw na lang artista na naman ako,†sabi ni Governor Vilma Santos.
Tapos na kasi ang elections by next week at makapaghahanda na siya para naman sa promo ng kanyang ginawang pelikula na isasali sa Cinemalaya Independent Film Festival.
Pero hindi pa rin naman siya talagang full time sa promo kasi may mga bago na naman siyang posibleng makakasama sa Kapitolyo although ang karamihan doon ay mga datihan na. Pero ganoon naman si Ate Vi eh, basta bagong term hindi muna siya tumatanggap ng ibang commitment ng mga tatlong buwan para makasanayan na muna niya at mabigyan ng panahon na mas makilala ang kanyang mga bagong makakasama.
Iyon nga lang, paminsan-minsan ay makakatulong na siya sa promo ng kanyang pelikulang EksÂtra. Aba, wala namang puwedeng mag-promote ng pelikulang iyon dahil siya lang ang big star. Iyon namang ibang big stars na nababanggit eh mga cameo role lang ang ginawa at hindi mo naman maaasahang magpo-promote ang mga iyon. Big stars nga sila pero sa Ekstra, lumabas na “extra†lang sila. Iyon nga ang katuwaan doon eh, ang big stars ang extra sa pelikula.
Sabi nga ni Ate Vi, feel niya na kailangang mai-promote naman ang kanyang pelikula. Hindi lamang para kumita iyon. Tribute rin niya iyon sa pinakamaliliit na manggagawa sa industriya at higit sa kumita, ang gusto niya ay malaman ng mga tao ang pagsisikap ng mga maliliit na manggagawa. Kung marami nga naman ang manonood mas mapaparangalan ang mga extra sa industriya ng pelikula sa tunay na buhay.
Gay politician minalas sa aktor kaya wala nang balak balikan pa
Hindi namin alam ang dahilan pero maugong na maugong na ang isang aktor ay ayaw na raw balikan ng dati niyang lover na gay politician.
Sinasabi raw ng gay politician na mukhang malas sa kanya ang aktor kaya nasira rin ang kanyang political career at pabili pa raw nang pabili iyon ng kung anu-ano.
- Latest