^

Pang Movies

Richard pinalalagyan ng police protection sa delikadong lugar na may mga private army

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mismong ang police chief na ng Ormoc City na si Elizar Egloso ang nagsa­bing kailangan na nilang big­yan ng police protection si Richard Gomez. Sa lahat kasi ng survey ay sinasabing lamang na manalo si Goma bilang mayor ng kanilang bayan. ’Tapos ang Ormoc City ay kabilang pa sa mga “hot area” dahil may mga private army nga roon bukod pa sa mga rebelde ng bayan.

Pero si Goma ay malakas pa rin ang loob dahil sinasabi niyang wala naman siyang atraso.

Vilma unang hinahanap ang script

Malaki ang paniniwala kahit na ng kanyang mga producer, base sa mga napanood na nilang tapos na bahagi ng pelikulang Ekstra, na kikita sa takilya ang pelikula ni Gov. Vilma Santos. Sinasabi nilang kagaya ng iba pang mga pelikulang nagawa na ni Vilma, naroroon ang artistic values na kailangan sa isang pelikula, pero hindi nila nakalimutan ang box-office appeal. Kaya nga sinasabi nilang naniniwala sila na may laban sila sa mga award and at the same time siguradong kikita ang pelikula maging sa magiging run noon sa commercial theaters.

Sinasabi nga nila, “Ang pelikula namin ay hindi naman ginawa para humakot ng awards at malugi, iyon ay ginawa para kumita nang hindi naman isasakripisyo ang artistic merits.”

Naniniwala rin naman si Ate Vi na talaga ngang mapagsasabay naman ang magandang kalidad ng isang pelikula habang pinananatili iyong komersiyal.

“Hindi naman totoo ang sinasabi ng iba na ang magagandang pelikula ay hindi kumikita. Insulto naman iyon sa mga Pilipino. In fact, matalino na ang mga Pilipino ngayon. Alam nila kung ano ang maganda at kung ano ang hindi. Masasabi nga natin na ang mga pelikulang magaganda at mahusay talaga ang pagkakagawa, iyon ang kanilang pinanonood.

“May mga pelikulang mahuhusay na hindi kumikita, iyon naman ay dahil si­guro hindi gusto ng masa ang istorya kasi kahit na anong galing mo, technically, at kahit na anong galing ng acting mo, hindi naman nila gusto ang kuwento, wala rin. Kaya nga ako, hindi puwede sa akin iyong ididikta mo na lang ang dialogue. Talagang naghahanap ako ng script. Una, kung may script malalaman mo na ang kuwento. Ikalawa, mas napaghahandaan mo ang role mo dahil may hawak kang script eh. At saka iyon naman talaga ang dapat,” pahayag ni Ate Vi.

Aktres niyayaya sa Holy Week ang matandang huhuthutan sa Boracay

Wala ring habas ang isang aktres. Siya pa ang nagyayaya sa isang matanda na dalhin siya sa Boracay sa Holy Week. Isipin n’yo kung kailan Semana Santa at saka pa siya nakaisip na gumawa ng kabalbalan at ida­damay pa ang pobreng matanda na nagbabago na ng kanyang buhay.

 

ATE VI

BORACAY

ELIZAR EGLOSO

GOMA

HOLY WEEK

NAMAN

ORMOC CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with