^

Pang Movies

'Di pa rin mapakali kahit nasa Amerika na, sex video nila ng ex, idinadaldal na naman ni Mo Twister

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May nasabi na naman si Mohan Gumatay, alyas Mo Twister, sa kanyang programa sa radio na ginagawa na lang niya sa pamamagitan ng Internet. Talaga raw galit pa siya sa kanyang “ex” at hindi niya magawang panoorin ang “sex video”.

Nakakagulat ’yan. At may ginawa pa palang sex video nilang dalawa si Mohan Gumatay. Ang akala namin, ang sinasabi lang niyang video ay ’yung umiiyak siya at sinasabi niyang ipina-abort ng kanyang “ex” ang kanilang anak.’ Tapos may isa pang kumalat na kung saan panay ang halikan nilang da­lawa ng kanyang “ex”. At ngayon ay sinasabi niyang sa galit niya sa kanyang “ex” ay ni hindi niya magawang panoorin ang kanilang sex video?

Kung natatandaan ninyo, dahil sa dalawang naunang video na kumalat ay nademanda na nga siya at noong matunugan niyang magkakademandahan ay lumipad na agad siya patungong New York, USA para maiwasan ang mga kasong isinampa laban sa kanya. Iyon ang dahilan kaya siya naroroon at nakakonekta na lang sa kanyang radio show sa pama­magitan ng Internet. ’Tapos ngayon ay inilabas na naman niya na meron pa pala siyang ginawang sex video nila? Hindi naman masasa­bing ang kanyang “ex” pa ang gumawa ng nasabing sex video.

Vilma madaragdagan ng award sa public service

Ang Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines naman ang magbibigay ng award kay Governor Vilma Santos sa susunod na buwan. Inaasahan nilang makakadalo si Vilma mismo sa kanilang awarding para tanggapin iyon pero magagawa pa nga kaya niya eh kasagsagan na iyon ng kampanya?

Binigyan daw nila ng award si Vilma dahil ang probinsiya ng Batangas ang nakapaglaan ng pinakamalaking budget at talagang nag-aasikaso sa kanilang mga proyektong pang-social welfare and develop­ment. Marami nga namang ginagawang pangkabuhayan projects sa Batangas, ganun din ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.

Noranians walang tigil sa pambabastos sa text

Nagreklamo ang nakakuha ng luma naming cell phone number na pinalitan na namin noon pang November. Dahil araw-araw daw ay may nagte-text doon na mga bastos na Noranians na nagmumura.

Buti na lang ano? Napalitan na namin ang cell phone number na iyon at hindi na namin nababasa ang mga bastos na text ng mga matatandang walang pinagkatandaan.

ANG ASSOCIATION OF LOCAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICERS OF THE PHILIPPINES

BATANGAS

GOVERNOR VILMA SANTOS

KANYANG

MO TWISTER

MOHAN GUMATAY

NEW YORK

NORANIANS

VILMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with