^

Pang Movies

Vilma walang reklamo sa mahabang oras ng trabaho sa indie!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakausap namin si Atty. Joji Alonso, producer ng indie film na Ekstra entry sa Cinemalaya International Film Festival sa July, noong Metro Manila Film Festival (MMFF) Appreciation Dinner at sabi niya, hindi niya bibiguin ang fans ni Batangas Gov. Vilma Santos dahil maganda ang pelikula. 

Nagpasalamat siya hindi lamang kay Ate Vi, kundi sa mga sikat na artistang tulad ni Cherie Gil, Marian Rivera, Piolo Pascual, na pumayag gumanap ng cameo roles. She has high regards lalo na kay Ate Vi na hindi na nagtanong kahit na mahabang oras ang nauubos niya sa shooting at pagkatapos ay magri-report pa for work sa Batangas Capitol.

DTM nag-volunteer sa Red Cross

Pinuri ni Philippine National Red Cross (PNRC) Chairman Richard Gordon ang P-Pop group na Down to Mars (DTM) pagkatapos ng contract-signing affair nila as the newest celebrity Red Cross Ambassadors. Hindi pala basta kumukuha ang Red Cross ng celebrity ambassadors unless sila ang magbo-volunteer na tumulong sa agency. Minsan na pala niyang napanood mag-perform ang DTM sa isang event at nakita niya kung paano sila tinanggap ng mga tao. Kaya nang mag-volunteer ang grupo, kasama ang manager nilang si Geleen Eugenio, na matagal na palang kaibigan ni Chairman Gordon, natuwa siya pero pinag-usapan muna nila kung paano tutulong ang grupo sa advocacies ng Red Cross.

Ilan dito ay ang paggamit ng pangalan ng DTM, images and pictures sa mga promo materials nila at ang pagtulong nila sa mga services ng libre, walang talent fee. Hindi rin sila tatanggi kapag ipinadala sila kahit sa malayong lugar to perform their duties, pero ang meal and transportation ay sasagutin naman ng PRC.

Ayon naman sa DTM, honored sila to be a part of PNRC.

Ang Down to Mars ay binubuo nina Kenji Chua, Jang Seung Ri, Daisuke Hagihara, Yheen Valero, Kiro Rivera, at Jeogwon Song. Regular silang napapanood sa Party Pilipinas every Sunday.

ANG DOWN

APPRECIATION DINNER

ATE VI

BATANGAS CAPITOL

BATANGAS GOV

CHAIRMAN GORDON

CHAIRMAN RICHARD GORDON

CHERIE GIL

CINEMALAYA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

RED CROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with