Hindi award ang habol Vilma patutunayang hindi nilalangaw ang indie films
Nakapagsimula na nga si Gov. Vilma Santos ng shooting ng kanyang first indie movie. Okay naman sa kanya ang lahat dahil mabilis nga ang trabaho.
Mahahaba rin ang eksena kasi video ang medium, nakakagamit ng mas maraming cameras, hindi kagaya ng pelikula na putul-putol ang shoot dahil kailangang magpalit ng anggulo. Kaya nga ang mga eksena nila ay laging “tuhogâ€.
Ngayon, sabi nga ng actress-politician, alam na niya kung bakit natatapos ang isang indie film sa loob ng ilang araw lang. Kung pelikula nga naman, pagpapalit ng angle ay palit din ang puwesto ng mga ilaw, panibagong ladlad ng cable ng audio man para hindi mahagip ng camera ang mga cable ng sound nila, at lahat ng iyon ay kumakain ng oras. Sa independent movie ay walang ganyan kaya natural lang na mas mabilis nga sila.
Ang challenge naman ay nasa artista. Kailangang alam niya ang buong eksena at kailangang alam niya ang kanyang dialogue sa bawat eksena. Kung hindi, sasabit pa.
Say ni Ate Vi, mas pagod dahil sunud-sunod talaga ang eksena. Pero ang sinasabi naman niyang advantage niya ngayong gumagawa siya ng indie film ay “I learned a lot from the experience. Masarap din naman iyong ganitong trabaho.â€
Ang usapan daw ay mga eight to 10 shooting days lang ang shooting nila ng pelikula dahil isasali nga sa Cinemalaya. Pagkatapos ay isasali na raw sa mga film festival kung saan-saan.
Nang tanungin namin si Ate Vi kung award din ba ang hinahabol niya sa ginawa niyang indie film, ang sagot niya ay hindi.
“Siyempre lahat naman ng pelikula ko ginagawa ko what I think is best. Pero hindi naman kami naghahabol ng award eh. Ang gusto naming mapatunayan this time ay maaaring kumita ang mga pelikulang indie. Na hindi naman lahat ng indie nilalangaw. Ang paniwala ko, ito ang future ng industriya, kaya kailangang simulan nang kumbinsihin ang mga tao na tangkilikin ang mga pelikulang ganito,†giit pa ng Star For All Seasons.
Maricel excited nang magtrabaho kasama si Vice Ganda
Matutuloy ang pelikulang ang bida ay sina Maricel Soriano at Vice Ganda. Iyon ang naging kuwento ng direktor na si Wenn Deramas, na nagsabing nag-dinner sila sa bahay ng Diamond Star mismo para ipaÂalam sa kanya na tuloy ang project at maÂaari na nga silang magsimula any time now.
Okay naman daw si Maricel at excited ding makasama sa trabaho si Vice. Si Vice naman ay doble ang excitement dahil idol pala si Maricel.
Mas mabuti pa nga na mag-peliÂkula na lang muna ang Diamond Star dahil hindi ganoon katindi ang stress sa pelikula. Hindi kagaya sa isang teleÂserye na talagang patayan ang traÂbaho kaya ibang klaseng pagod ang nadaÂrama sa set at laging may problema.
- Latest