2nd Nestea Beach Volleyball Asian Women's Championship
March 29, 2001 | 12:00am
Isa na namang umaatikabong laban ang mapapanood ng mga panatiko ng beach volleyball sa Manila kung saan idaraos ng Nestea Ice Tea sa kooperasyon ng Philippine Amateur Volleyball Association (PAVA) ang 2nd Nestea Beach Volley Asian Womens Championship sa Cultural Center of the Philippines.
Nakatakdang dumating sa bansa ang mga mahuhusay na manlalaro mula sa Australia, China, Hongkong, India, Indonesia, Japan, New Zea-land, Thailand at Philippines.
Matatandaan na isang malaking tagumpay ang nakaraang Nestea Beach Volley series-- ang kanilang 5th Nestea Beach Volley University Challenge at ang 1st Nestea Beach Volley National Open. Ang Nestea Beach Volley Asian Womens championship ay sanctioned ng Asian Beach Volley Council at opisyal na idineklara ang unang yugto ng Asian Beach Volley Circuit.
Inaasahan na magiging mahigpit na kalaban ang koponan mula sa Thailand at Japan kung saan ang kanilang koponan ang nakasungkit ng gold at bronze medals, ayon sa pagkakasunod sa 1998 Asian Games sa Bangkok, habang kinu-kunsidera naman ang China na isang malakas na kalaban sa indoor volleyball sa pagpapadala, nila ng squad na nanalo sa Asian Championships.
Di rin pahuhuli ang New Zealan-der na sina Lucy Todd at Australian Summer Lochowicz na kapwa nag-pakita na rin ng aksiyon noong nakaraang edisyon ng naturang tournament na ginanap din sa CCP Complex.
Ang bansa ay kakatawanin naman ng dalawang koponan na nanalo sa 1st Nestea Beach Volley National Open--sina Joan Botor at Helen Dosdos ng Philippine Navy at Sheryl Tumatyao at Jennifer Buhawe ng San Sebastian College at ng 5th Nestea Beach Volley Challenge semifinalists, University ofd St. La Salle Bacolods na sina Glenda Pintolo at Cecile Tabuena.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest