^

PSN Opinyon

Mali na naman daw!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ISANG kontrobersiya ukol sa tamang pagkanta ng Pambansang Awit ang nagaganap ngayon. Si Arnel Pineda ng bandang Journey ang napili para kantahin ang Lupang Hinirang sa laban nina Manny Pacquiao at Joshua Clottey. At katulad ng nangyari nung si Martin Nievera ang kumanta rin sa isang laban din ni Manny, binatikos ng National Historical Institute (NHI) ang pagkanta ni Pineda. Masyado raw mabagal at nawala pa sa tono. Ilang umawit na rin sa nasabing kanta ang pinagalitan din ng NHI.

Pagalitan na lang ng NHI ang lahat ng kumanta na ng Pambansang Awit. Natatandaan ko, palaging pinatutugtog ang Lupang Hinirang sa mga sinehan bago magsimula ang isang sine. May isang grupo na nagsimulang kantahin ng mabagal na mabagal ang awit, at pagkatapos ng ilang bersikulo ay kinanta na ng regular na bilis. Napakaganda ng rendisyon ng grupong iyon sa Pambangsang Awit. Naramdaman ko ang ganda ng awit, pati ang ganda ng estilo sa pagkanta nito. Hindi nabawasan ang halaga ng awit dahil sa rendisyon. Sa totoo nga, mas lumakas ang damdamin ko ukol sa pagiging Pilipino. Kaya anong masama naman doon?

May kumanta pa kaya ng Pambansang Awit dahil sa mala-agilang pagbantay ng NHI sa pag-awit nito. May umawit pa kaya sa mga darating na laban ni Manny kung mapapagalitan lang sila at babantaan pa ng demanda? Lahat ng mang-aawit ay may iba’t ibang estilo sa pagkanta. Nadadala sila sa damdamin nung kanta, at kung anong klaseng kahalagahan ang meron nito sa kanila. Ang isang magaling at madamdaming mang-aawit ay kakantahin ang isang kanta ayon sa kanyang damdamin. Kung pupunahin na lang ng NHI ang lahat, siguro mag-recording na lang sila ng sa tingin nila ay ang tamang paraan sa pagkanta nung Lupang Hinirang, at ito na lang ang patugtugin sa lahat ng okasyon na kailangan simulan ng Pambansang Awit. Nang sa ganun, wala na silang mapapagalitan. Kung ganun din sana ang pagbantay nila sa mga ibang ahensiya ng gobyerno, lalo na doon sa may kasaysayan ng katiwalian at korapsyon, wala na rin sigurong gagawa ng kalokohan sa gobyerno, at tuluyang uunlad ang bansa!

AWIT

ILANG

JOSHUA CLOTTEY

LUPANG HINIRANG

MARTIN NIEVERA

NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE

PAMBANGSANG AWIT

PAMBANSANG AWIT

SI ARNEL PINEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with