^

PSN Opinyon

Sino ang tunay na author ng cheaper medicines law?

- Al G. Pedroche -

NAG-AAKUSA ang partido Nacionalista kay Liberal Party VP bet Mar Roxas na “pekeng” ama ng cheaper medicines act. Ang gumawa ng akusasyon ay sina Iloilo Vice Governor Rolex Sulpico ay Rep. Ferjenel Biron sa isang press conference sa Iloilo.

Tinuran ng dalawang opisyal ang napabalita noong araw pa na P1 bilyong lobby money ng mga pharmaceutical companies para harangin ang pagsasabatas ng bill.

Ayon kay Sulpico, siya ang nagsulat at naghain sa house version ng panukalang batas nang siya ay kinatawan pa ng 13th Congress. Matatandaang matinding balitaktakan ang sinuong ng bill na ito bago naipasa sa Mababa at Mataas na Kapulungan. Finally, naging RA 9502. Sa ibang katawagan: Universally Accessible Cheaper and Quality Medicine Act of 2008. Layunin nito na bawasan ng hang­gang 50 porsyento ang maximum retail price ng 22 maha­lagang gamot.

Lumang issue na ito. Pero ayon sa dalawang opisyal, binubuhay nila ang usapin dahil ginagamit ni Roxas na campaign pitch ang pagiging “ama” ng cheaper medicines act. Anila, hindi raw si Roxas ang author ng batas kundi ang “pumatay” sa tunay na layunin ng batas.

Dito tinukoy ni Sulpico ang P1 bilyong lobby money. Noon daw 1999 nang Kongresista pa si Sulpico, isang consultant ng noo’y Pangulong Estrada ang inalok ng $1 milyon. Si Roxas ang Trade Secretary ni Presidente Estrada noon, ani Sulpico.

Kung susuriin daw ang bill na bersyon ni Roxas, wala roon ang probisyon sa price regulation. Tinutulan daw ni Roxas ang regulasyon sa pres­ yo ng gamot.

Dito sumabat naman si NP VP bet Loren Legarda at sina­bing ang tunay na may akda ng cheaper medicine law ay si Biron.

Sa tingin ko, hindi pa rin ganap na natatamo ng batas na ito ang layunin. Marami pa ring essential medicines na hindi maabut-abot ng mga ma­hi­ hirap tulad ng sa high blood at anti-cholesterol. Mabuti na lang at pinagtibay na rin ang batas na nagliliban sa mga lolo’t lola na tulad ko sa EVAT. Sa­na’y makatulong ng malaki iyan.

DITO

FERJENEL BIRON

ILOILO VICE GOVERNOR ROLEX SULPICO

LIBERAL PARTY

LOREN LEGARDA

MAR ROXAS

PANGULONG ESTRADA

PRESIDENTE ESTRADA

ROXAS

SULPICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with