^

PSN Opinyon

Maging praktikal na rin!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MADALAS sinasabi ng administrasyon na hindi nagka­kaisa ang oposisyon, kaya maraming kandidato para sa presidente ng bansa. Pero sa mga naganap na pang­yayari ng mga nakaraang linggo, tila hindi rin nagkakaisa ang administrasyon. At ang galit na galit sa mga naga­ganap sa kanyang partido ay si MMDA Chairman Bayani Fernando. Sinisita niya ang umano’y pinapa­borang mga posibleng tumakbo bilang presidente sa 2010, na hindi naman mga miyembro ng kanilang partido, katulad ni Vice President Noli de Castro at Defense Secretary Gilbert Teodoro. Sa isip at paniniwala ni Fernando, siya dapat ang piliin ng partido para tumakbo bilang presidente. Matindi ang kanyang paniniwala rito.

Nanggagalaiti si Chairman Fernando dahil hindi siya sanay na hindi pinapansin. Nakita sa mga nagdaang taon kung gaano kahalaga sa hepe ng MMDA ang mapansin sa kanyang mga ginagawa. Mula sa mga U-turn na hindi lahat nakakatulong, iyong dalawang elevated U-turn sa may C-5/Kalayaan na maraming tumutol, mga larawan niya na kinalat sa lansangan kung saan binatikos din siya, MMDA art na pantakip umano ng mga sulat sa pader na sana ay binura na rin lang, at ang kanyang piling paglinis ng mga squatter sa siyudad. At si Fernando ang pinaka-malakas lumabag sa batas ukol sa mga serena at pailaw, kasama na ang mga escort niya na malakas manghawi ng mga ordinaryong mamamayan. Ngayon, siya na yata ang hinahawi ng kanyang partido.

Dapat matuto si Fernando sa ginawa ni Sen. Panfilo Lacson. Umatras na si Lacson sa kanyang planong tu­mak­bo bilang presidente, dahil naging makatotohanan at praktikal. Sinita niya ang kanyang mababang posisyon sa mga survey na lumalabas, kaya baka mahirapan      lang siyang makakuha ng mga susuporta sa kanya, lalo na sa pinansiyal na aspeto. Kaya ang tanong, nasaan ba si Fernando sa mga survey na iyan?

Kung hindi ako nagkakamali, mas mababa pa siya, nang malayo, kay Lacson. Kung magpapatuloy pa siya sa kanyang ambisyon na tumakbo sa ilalim ng kanyang partido, eh baka magulat na lang siya sa magiging desis­yon ng partido. Panahon ng krisis ngayon, kaya dapat maging praktikal. Ganun din sa pulitika. Huwag nang ipilit ang hindi mapipilit. Sa totoo lang, ni minsan ay hindi ko narinig mula sa kanyang partido na siya nga ang babas­basang tumakbo bilang presidente. Siya lang ang mata-gal nang nagpapahayag ng kanyang ambisyon.

vuukle comment

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN FERNANDO

DEFENSE SECRETARY GILBERT TEODORO

FERNANDO

KANYANG

LACSON

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with