^

PSN Opinyon

Usap-usapan ang ‘hangin’ sa ulo ni Bong Villafuerte

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
KAPAG patuloy na kinukunsinti ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte ang anak niya na si Bong Villafuerte, aba baka may tulog siya sa darating na May elections. Maaaring bagyo si Villafuerte sa Palasyo pero kabaligtaran naman ang anak niyang si Bong Villafuerte dahil pumasok ito sa illegal at away ang hanap hindi kaibigan. Usap-usapan kasi sa Camp Crame ang ‘‘hangin’’ sa ulo ng batang Villafuerte at maraming opisyales na ng pulisya ang naiinis sa kagaspangan niya. Kalat kasi sa Camp Crame na kapag may papasok na regional director o RD sa Region 5, aba gustong pumapel ni Bong Villafuerte. At kapag nakausap naman siya ang palaging ipinagyayabang ni Bong Villafuerte ay siya ang RD sa PRO5 at ang papasok na RD ay deputy lamang niya. Wala naman sanang masama kung nagbibiro lang si Bong Villafuerte eh seryoso siya kapag kausap ang mga heneral ng pulisya. Ang masama pa niyan, si Bong Villafuerte ang tumatayong financier ng jueteng sa Camerines Sur at ang dating ay wala siyang respeto sa kapulisan. Sa ngayon, pinag-uusapan sa Camp Crame kung paano mawawala ang hangin sa ulo ni Bong Villafuerte. Nais ng mga heneral na disiplinahin ang batang Villafuerte para hindi na siya pamarisan ng iba pang jueteng lord. He-he-he! May kalalagyan si Bong Villafuerte, di ba mga suki?

Maliban sa ama niya na kinukunsinti siya, may karapatan namang magyabang si Bong Villafuerte bunga na rin sa suporta ni Camarines Sur Gov. Raymond Villafuerte. Kung bulgaran na ang jueteng sa Camarines Sur ang gagawing basehan, nangangahulugan lang na tiyope si governor kay Bong Villafuerte nga. Pero pasasaan man at tiyak may lulutang at lulutang rin para sawatain itong kabastusan ni Bong Villafuerte, di ba mga suki? Pero tiyak, hindi ’yon si Col. Mapalo ang provincial director ng PNP sa Camarines Sur dahil wala rin siyang binatbat lalo na kung ang jueteng ni Bong Villafuerte ang pag-uusapan, di ba mga suki?

Kaya lang may nasilayan akong pag-asa sa paghirang kay Chief Supt. Ricardo Padilla bilang hepe ng PRO5 sa Bicol. Ang balitang kumakalat sa Camp Crame, hindi pa kinakausap ni Padilla si Bong Villafuerte bunga umano sa kagaspangan niya. Kung brusko ang dating ni Bong Villafuerte sa Bicol bunga sa kapit niya sa pulitika at kay Col. Mapalo, ganun na rin si Padilla na sagradong bata naman ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon. Si Padilla na kaya ang kasagutan para suwetuhin si Bong Villafuerte? Anong sey n’yo mga suki ko diyan sa Bicol?

Para sa kaalaman ni Padilla ang taga-bigay ng lingguhang intelihensiya ni Bong Villafuerte kahit sa anong sangay ng gobyerno ay si Hermie Herrera. At ang mga daily kubransa ng jueteng ni Bong Villafuerte ay P80,000 sa bayan ng Cabusao; Canaman P160,000; Cainza P60,000; San Fernando P170,000; Bonbon P70,000; Naga P310,000; Pili P140,000; Ocampo P100,000; Goa P90,000; Tinambac P80,000; Baao P90,000; Nabua P70,000; Iriga P150,000; Balatan P70,000; Sipulot P60,000; Libmanan P70,000; Camaligan P90,000; Pamplona P100,000; Calabanga P90,000; Magarao P80,000; Milaor P110,000; Minalabac P90,000; Tigaon P80,000; Lagonoy P100,000; Caramoan P70,000; Bula P90,000; Bato P60,000, at Buhi P80,000. Abangan!

BICOL

BONG

BONG VILLAFUERTE

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR GOV

CAMARINES SUR REP

CAMERINES SUR

CAMP CRAME

PADILLA

VILLAFUERTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with