Zesto Gang tinuldukan ng BITAG !
May 21, 2004 | 12:00am
Marami nang nabiktima ang "Zesto Gang" partikular sa area ng Arayat at Cubao sa Quezon City. Dahil sa mahahalaga ninyong tips, nahulog sa aming BITAG ang modus ng mga mokong na ito.
Istilo nila ang sumampa sa mga pampasaherong bus. Grupo at minsan kahit mag-isa lang, larga na ang mga ito. Tanging alak lamang ang pinagkukunan ng lakas ng loob.
Mistulang mga kundoktor kung umasta, kinukuha nila ang bawat perang inaabot ng mga kawawang pasahero, suwerte na lamang kung may sukli pang naibabalik. At kapag may pasaherong umalma o magtanong, kundi paninindak, pag-aalok ng juice sa tetra pack ang kanilang palusot.
Kahit magpalipat-lipat sila ng bus, walang kawala sa surveillance at concealed camera ng BITAG ang bilis ng operation ng sindikatong ito. Kilala na namin ang mga mukha nila, complainant na lamang ang aming hinihintay upang tuluyan nang kwelyuhan ang baluktot nilang gawain.
Matapos mapanood ang ginawa naming paglalantad sa "Zesto Gang", ilang mga biktima ang lumapit sa aming tanggapan upang ireklamo ang naturang sindikato.
Wala kaming pinapalampas na pagkakataon. Hanggat may mga marunong lumaban at manindigan, laging maaasahan ang BITAG. Sapat na ang reklamong aming natanggap upang kastiguhin at tuluyan nang tuldukan ang bulok na modus ng "Zesto Gang".
Sampol pa lang ang inyong mapapanood ngayong Sabado kung saan aming ipapakita ang ginawang pag-tuldok ng BITAG sa mga miyembro at aktibidades ng "Zesto Gang".
Babala namin sa iba pang natitirang sindikato ng Zesto Gang, bilang na ang inyong maliligayang araw!
Bitag hotline numbers, para sa mga naabuso, naaapi, at biktima ng panloloko o anumang uring katiwalian, i-text (0918) 9346417, (0919) 5684470, o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Manood tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. IBC-13, "BITAG."
Istilo nila ang sumampa sa mga pampasaherong bus. Grupo at minsan kahit mag-isa lang, larga na ang mga ito. Tanging alak lamang ang pinagkukunan ng lakas ng loob.
Mistulang mga kundoktor kung umasta, kinukuha nila ang bawat perang inaabot ng mga kawawang pasahero, suwerte na lamang kung may sukli pang naibabalik. At kapag may pasaherong umalma o magtanong, kundi paninindak, pag-aalok ng juice sa tetra pack ang kanilang palusot.
Kahit magpalipat-lipat sila ng bus, walang kawala sa surveillance at concealed camera ng BITAG ang bilis ng operation ng sindikatong ito. Kilala na namin ang mga mukha nila, complainant na lamang ang aming hinihintay upang tuluyan nang kwelyuhan ang baluktot nilang gawain.
Matapos mapanood ang ginawa naming paglalantad sa "Zesto Gang", ilang mga biktima ang lumapit sa aming tanggapan upang ireklamo ang naturang sindikato.
Wala kaming pinapalampas na pagkakataon. Hanggat may mga marunong lumaban at manindigan, laging maaasahan ang BITAG. Sapat na ang reklamong aming natanggap upang kastiguhin at tuluyan nang tuldukan ang bulok na modus ng "Zesto Gang".
Sampol pa lang ang inyong mapapanood ngayong Sabado kung saan aming ipapakita ang ginawang pag-tuldok ng BITAG sa mga miyembro at aktibidades ng "Zesto Gang".
Babala namin sa iba pang natitirang sindikato ng Zesto Gang, bilang na ang inyong maliligayang araw!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended