^

PSN Opinyon

30 minutong paglalakad okey sa may high blood

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

WALA raw kuwenta ang work-outs kapag hindi mo naramdaman sa katawan. Ibig sabihin kapag sumakit ang iyong mga kalamnan dahil sa pagwo-workout, nagkaroon ng epekto. Tumatalab kung ano ang ginawa mo. Pero bakit mo pahihirapan ang sarili sa work-outs kung maaari ka namang maglakad o mag-briskwalking na halos pareho rin ang ibinibigay na benepisyo sa katawan. Hindi lang ang dibdibang workouts ang makapagpapababa ng timbang at makapagbibigay nang malusog na panganga­tawan kundi ganundin ang regular na paglalakad.

Ang 30-minutong paglalakad ay katumbas na rin ng mabibigat na work-outs at malaki ang maitutulong para mapanatiling maganda ang pangangatawan at masigla ang isipan. Ang pagkakaroon ng physical activity ay epektibong paraan ma-manage ang stress at depression.

Pinakapopular na uri ng ehersisyo ang paglalakad. Nakatutulong ito sa may high blood pressure at nagaga­wang maitaas ang level ng good cholesterol.

Kung hindi magagawang makapaglakad sa umaga, subukan ang mga sumusunod:

• Sa halip na sumakay sa elevator, maghagdan na lamang.

• Kung mayroon kang alagang aso, ipasyal mo ito sa parke.

• Kung mamamasyal sa mall, maglakad sa perimeter nito.

• Kung gumagamit ka ng sasakyan sa pagpasok sa opisina, i-park mo ito nang medyo malayo para nakapaglalakad ka.

BULL

IBIG

KUNG

NAKATUTULONG

PERO

PINAKAPOPULAR

TUMATALAB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with