^

PSN Opinyon

STL, front ng jueteng sa Quezon at Laguna

- Bening Batuigas -

DAPAT lang sigurong iutos ni Presidente Arroyo kay PCSO Chief Sergio Valencia na paimbestigahan itong small-lottery o STL na ginagawang front sa jueteng ng magsing-irog na Charing Magbuhos at Eddie Ka-bayo sa Quezon at Mon Preza sa Laguna. Kapag hindi kasi napatigil itong modus operandi nina Magbuhos, Eddie Kabayo at Preza, tiyak kukupas na ang PCSO at hindi na nila matutustusan ang mga proyekto ni GMA. Hindi kasi biro ang halagang nawawala sa kaban ng PCSO dahil hindi lang sina Magbuhos, Eddie Kabayo at Mon Preza ang may ganitong sistema para mapaliit ang kanilang lingguhang intelihensiya sa PNP natin kundi marami pa. Kapag hindi kasi kumilos itong si Valencia, nangangahulugan lang na pati itong PCSO natin ay kakutsaba nina Magbuhos, Eddie Kabayo at Preza sa jueteng… este sa STL operations nila kuno, di ba mga suki? He-he-he! Nagtatago pa sa STL itong sina Magbuhos, Eddie Kabayo at Preza eh buking naman na jueteng ang trabaho nila!

Dahil magaling naman sa economics itong si   Ma’m GMA, bigyan natin siya ng figures at siya na ang bahalang sumama at tiyak maaarok niya ang pan­ daraya na ginagawa nina Magbuhos, Eddie Kabayo at Preza sa PCSO sa ilalim ng liderato ni Valencia. Ang kubransa nina Magbuhos at Eddie Kabayo, Ma’m GMA ay ganito: Sa Tiaong ay P300,000; Candelaria, P400,000; Lucena, P1.3 milyon; Sariaya, P400,000; Tayabas, P200,000; Dolores, P300,000; Gumaca, P400,000; Infanta, P200,000; Lopez, P300,000; Mauban, P300,000; San Andres, P350,000; Unisan, P300,000; Atimonan, P500,000; Padre Burgos, P200,000 at Plaridel, P200,000. Kung susumahin mo Ma’m GMA, lalabas na tumataginting na P5.6 milyon ang kubransa ng jueteng… este STL kuno nina Magbuhos at Eddie Kabayo nga. Pero tingnan mo GMA, Ma’m ang nire-remit ni Jun Cuello, na bata nina Magbuhos at Eddie Kabayo, at tiyak makukun­ sumi ka dahil P1 milyon lang ang naka-resibo sa opisina ni  Valencia nga. At bakit tahimik si Rom­waldo Quinones, ang STL project officer ng PCSO, sa gani­tong modus-operandi nina Magbuhos, Eddie Kabayo at Preza? Arukin mo rin ito, GMA Ma’m at kung ma­patunayan mo na may kutsabahan sina Valen­cia at Quinones kina Magbuhos, Eddie Kabayo at Preza, aba hindi na dapat silang tumagal pa sa mga opisina nila, di ba mga suki?

Sa totoo lang, hindi naman maglalakas-loob sina Magbuhos at Eddie Kabayo, na magkasosyo sa lahat ng bagay, na linlangin ang PCSO kung wala silang kapit kina Quezon Gov. Nantes at PRO4-A Director Chief Supt. Nicasio Radovan, di ba Molly Acuña Sir? Ang balita natin, tumataginting na P3 milyon ang lagay nina Magbuhos at Eddie Kabayo kay Nantes sa­mantalang siyempre dapat milyon din ang kay Ra­dovan at tiyak alam ’yan ni Acuña, na nagyayabang na kamag-anak niya si Chief Supt. Edong Acuña, ang hepe ng personnel o DPRM ng PNP natin sa Camp Crame. Anong say  mo Col. Zapra, ang hepe ng STL ng PNP sa probinsiya ng Quezon? Imposibleng walang grasya si Zapra kina Magbuhos at Eddie Kabayo, di ba mga suki? Abangan!

vuukle comment

A DIRECTOR CHIEF SUPT

EDDIE

EDDIE KABAYO

KABAYO

MAGBUHOS

MON PREZA

NINA

PREZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with