Smart ID ng PSI gagamitin na ng DepEd
MANILA, Philippines - Ang Sports Mapping Action Research Talent Identification (Smart ID) ng Philippine Sports Institute ay siya nang gagamitin ng Department of Education para makadiskubre ng mga potential athletes simula sa 2017 Pa-larong Pambansa na gaganapin sa San Jose de Buenavista, Antique.
Ayon kay Prof. Henry Daut, ang head ng Grassroot Development Program ng PSI, nakatakdang magpulong ang DepEd at PSI upang lagdaan ang Me-morandum of Understanding (MOU) sa susunod na buwan sa Maynila.
“In our initial discussion, we have agreed already about this program. They asked us to submit our programs and we did. So we will again meet sometime next month to sign the MOU,” sabi ni Daut sa isinagawang Smart ID Train the Trainers Program dito sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex.
Bukod sa talent identification program, ang iba pang programa na iniendorso ng PSI ay ang Sports Education Program para naman sa mga Physical Education (PE) teachers, mga trainers at coaches sa ilalim ng DepEd.
“After the signing of the MOU, then the Smart ID will now be used as the DepEd program in identifying potential athletes, who may soon be a part of our national training pool,” dagdag ni Daut.
Sabi pa ni Daut na mahalaga talagang magkaroon ng unified program sa lahat ng aspeto sa buong bansa kabilang na ang DepEd, Local Go-vernment Units at iba’t ibang sektor sa sports dahil sa pamamagitan ng pagtutulungan, magkakaroon ng magagaling na atleta.
“We have to work together. That’s why, we in the PSI, we have this objective to provide a vehicle for unity and cooperation in sports,” sabi ni Daut.
Pagkatapos ng Mindanao swing, tutuloy ang PSI sa Aklan sa susunod na buwan para sa pagdaraos ng Visayas Leg ng Smart ID Train the Trainers program.
- Latest