^

Metro

‘Cytotec’ wala na sa Quiapo

POSTSCRIPT - Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Manila Police District Plaza Miranda PCP na malinis na ang lugar ng Quiapo mula sa bentahan ng ‘‘Cytotec’’.

Sa panayam kay Plaza Miranda PCP commander Chief Insp. John Guiagi, ang pagkaubos sa bentahan ng  ‘‘cytotec’’ ay bunsod ng kanilang  walang humpay na operasyon laban sa mga nagbebenta at bumibili nito.

Ang ‘cytotec’ ay isang  tablet na ginagamit ng mga nais na magpalaglag ng sanggol sa kanilang sinapupunan.

Nabatid kay Guiagi na maging ang mga ibinebentang  herbal medicine at pamparegla ay kanila ng kinukumpiska at sinisira dahil binibigyan nito ng pagkakataon ang  consumers na gumawa ng isang maling desisyon at labag sa kautusan ng  Diyos.

Wala aniyang lugar sa Quiapo, partikular sa paligid ng Quiapo church ang  mga ganitong  uri ng  gamot dahil lantarang labag sa itinuturo ng  Simbahan.

Binigyan diin ni Guiagi na kung mayroon man silang namo-monitor na bentahan, agad nila itong isinasagawa upang mapigilan at masampahan ang  responsible.

CYTOTEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with