Alam n’yo ba?
Ang buong pangalan ni Jose Rizal ay Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda na ipinanganak noon bago maghating gabi ng Miyerkules, Hunyo 19, 1861. Ang totoong apelyido ng mga Rizal ay Mercado na ang ibig sabihin ay palengke o pamilihan. Ang pangalang ito ang ginagamit ng ninuno nilang si Domingo Lam-co. Nang inutos na palitan ang mga apelyido ng Pilipino, hindi nagustuhan ng tatay ni Jose ang mga pangalang Kastila kaya minabuti niyang gamitin ang sariling apelyidong Rizal. Ang Rizal ay nanggaling sa salitang Kastila “racial” na ang ibig sabihin ay “luntiang hardin”.
- Latest