Sundalo na convoy ng Comelec utas sa NPA
MANILA, Philippines – Napatay ang isang sundalo ng Phil. Army habang isang sundalo at tatlong sibilyan naman ang sugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army ang convoy na magdadala ng voting counting machines (VCM) sa bayan ng Gamay sa Northern Samar noong Sabado ng hapon.
Kinilala ang napatay na sundalo na si PFC. Louiden Quebec ng 20th Infantry Battalion na nakabase sa bayan ng Catubig habang sugatan naman si Private Michael Cagata at ang tatlong sibilyan ay ginagamot sa rural health center sa bayan ng Mapanas.
Base sa ulat, sakay ng military truck ang tropa ng 20th Infantry Battalion ng Phil. Army nang masabugan ng landmine na itinanim ng mga rebeldeng NPA sa bahagi ng highway sa Barangay Anito.
Ayon sa ulat, nasa convoy ang mga sundalo na nag-deliver ng VCM sa bayan ng Mapanas nang tambangan ng mga rebelde habang pabalik sa kanilang kampo.
Wala namang natangay na VCM matapos ma-secure ng mga awtoridad ang forwarder truck.
- Latest