^

Probinsiya

Ambush: 3 supporter ng kandidato patay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang isang pulis-Crame at hipag ng ma­yoralty bet ang napatay sa naganap na pananambang ng mga hindi kilalang kalalakihan sa panibagong karahasan bago magtapos ang kampanya sa Barangay Namnama, bayan ng Jones, Isabela kahapon ng umaga.?

Kinilala ang mga napatay na sina Lydia Zapata, 52, hipag ni Vice Mayor Melanie Uy; SPO4 Arthur Anunciacion, 52, nakatalaga sa Camp Crame sa Quezon City; at si Roderick Eugenio, 51.

Nakikipagbuno naman kay kamatayan sa Jones Community Hospital sina Chairman Rhoda Anunciacion ng Barangay Uno; Reignzel Anunciacion, 12; Julius Julian, 27; at si Samuel Bulusan, 39, driver ng Isuzu Crosswind.?

Nabatid na si Chairman Anunciacion na asawa ni SPO4 Anunciacion ay utol ni Vice Mayor Uy na mayoralty bet at tumatayong lider ng grupo.

Sa inisyal na ulat na nakarating kay Isabela PNP director P/Senior Supt. Leon Rafael, inambush ng hindi pa natukoy na grupo ang convoy ng mga supporter ni Liberal Party mayoralty candidate Vice Mayor Melanie Uy.?

Matatandaan na nitong linggo lamang ay isinailalim sa Comelec control ang bayan ng Jones dahil sa naglipanang private armed groups (PAG). ?

Base sa tala ng pulis­ya, noong Abril 2016 ay itinumba ng mga rebeldeng New People’s Army si Vice Mayor Ronaldo Lucas ng Nationalist People’s Coalition dahil sa paratang na papel niya sa madugong pagpatay sa pinalitan niyang si Florante Raspado. ?

Pinabulagta rin ang pinsan ni Lucas na si Chairman Heinrich Apostol ng Barangay San Isidro na tumatakbong konsehal na kaalyado rin sa NPC.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with