Mga kaibigan gulat na gulat, Kobe ka-level na raw ng Kardashian sa Amerika!
I’m sure, feeling proud father si Benjie Paras dahil sa mga pralala ng kanyang anak na si Kobe Paras sa isang interview na ipinalabas sa Fox Sports.
Buong pagmamalaki na sinabi ni Kobe na “My family is kind of a big thing in the Philippines” at living legend sa Pilipinas ang tatay niya na isang sikat na basketball player at artista.
“He’s so famous in basketball and he’s so famous in acting. It’s so much impossible to go to the mall to shop, there was so much people bombarding us. I didn’t even know how famous my family was so when I was eight or nine, I was like, ‘What’s going on?” ang confidently handsome na kuwento ni Kobe sa Fox Sports.
May-I-second the motion naman ang American friend ni Kobe na Jordan Scurry ang name.
Ikinuwento ni Jordan na sinusundan si Kobe ng mga tao kapag pumupunta sila sa mall.
“Sometimes people would stop him at the mall, ‘Oh my God, you’re Kobe Paras! Can I take a picture?’ and I’d be like, ‘Man, this is so Kardashian status!’” ang amazed na amazed na sabi ng American friend ni Kobe.
Iba naman ang kuwento ni Davion Mintz na friend din ni Kobe at nag-share ng karanasan sa kanilang first time travel sa New York City.
“Neither one of us have been there before and this store clerk, she just kept following us everywhere we went and she came to us and said, ‘Are you Kobe Paras?’ and she immediately just started crying from seeing him. I knew it was serious.”
Sure ako na fan ni Kobe at hindi ang nanay niya na si Jackie Forster ang crying lady na umiyak nang makita siya sa personal. Naging emosyonal ang crying lady dahil hindi nito inaasahan na magsasalubong ang landas nila ng kanyang favorite Filipino basketball player.
Mga artistang may karelasyon mas matanda…
Holiday kahapon sa Metro Manila pero overacting ang trapik sa harap ng isang mall sa Mandaluyong City dahil sa mega sale.
Ang akala ko ba, ipinagbawal na ang mga mall sale along EDSA tuwing Biyernes para maiwasan ang matinding trapik?
Mabuti na lang, hindi ako na-late sa lunch date ko sa EDSA Shangri-La Hotel dahil maaga ako na umalis ng bahay.
Maraming juicy stories sa luncheon na pinuntahan ko pero hindi puwedeng i-share dahil off the record ang karamihan.
Ang mga artista na may mga karelasyon na mas bata sa kanila ang isa sa mga napag-usapan namin dahil sa love story ni Emmanuel Macron at ng kanyang misis na si Brigitte Trogneux.
Sixty four years old na si Brigitte at 39 years old pa lamang si Emmanuel na malaki ang tsansa na mahalal bilang next president ng France.
Inisa-isa namin ang mga aktres na older sa kanilang lover, pati na ang mga aktor na mas matanda sa mga asawa nila.
Siyempre, hindi nawala ang pangalan nina AiAi delas Alas at Vic Sotto sa tsikahan portion naming dahil more than 20 years ang agwat ng mga edad ng dalawa sa kanilang mga karelasyon.
Very close sina AiAi at Bossing. Consistent si AiAi sa pagsasabi na idol niya si Bossing kaya naghanap din siya ng bagets na karelasyon. Kung nakakita ng Pauleen Luna si Bossing, natagpuan ni AiAi si Gerald Sibayan.
May mga nagsasabi na posibleng soulmates sina Emmanuel at Brigitte kaya minahal nila ang isa’t isa, hitsurang older ang babae sa lalaki. Puwedeng soulmates din sina AiAi at Gerald, Bossing at Pauleen kaya sobrang compatible sila sa bawat isa.
At siyempre malilimutan ba natin sa sina Dr. Vicki Belo at ang pakakasalan ni Dr. Hayden Kho.
- Latest