^

PSN Opinyon

Tag-init, tag-sunog

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IYAN ang problema tuwing papasok ang pinakamainit na panahon na nagsisimula sa buwan ng Marso. Sunog! Ang pinakakawawa ay yung mga mahihirap na informal settlers na ang tahanan ay gawa sa material na mabilis magningas.

Sa Tondo, nagkaroon kamakailan ng sunog na umabo­ sa tahanan ng tinatayang 1,565 na pamilya. Agad umak­syon si Manila 2nd district Rep. Carlo V. Lopez para sa pangangailangan ng  mga apektadong pamilya.

Bumuo si  Lopez, vice chairperson ng house committee on housing and urban development ang isang one stop shop office sa pangunguna ng National Housing Authority, Department of Social Welfare and Development, Philippine Statistic authority, tanggapan ng Urban­ poor ng Pamahalaang lungsod ng Maynila at Pasig River­ Rehabilitation Commission.

Aniya marami sa mga biktima ay walang panggastos sa mga papeles na kailangan kaya hiningi ang tulong ng DSWD para alalayan ang mga constituents na ma­ihanda ang lahat ng kailangng NHA documentation.

Sinabi ni Lopez na nakahanda din ang PSA  at tanggapan ng Urban Poor ng lokal na pamahalaan na tulu­ngan ang mga beneficiaries sa mabilis na pag-iisyu ng birth certificates at iba pa.

Sa nabanggit na pulong, tiniyak ni Gng. Sonia Ma­beza, pinuno ng NHA West sector na inaasahang maililikas ang mga naging biktima ng sunog sa kanilang relocation sites  sa Barangay Tigbe sa Norzagaray at Padre Pio sa Pandi, Bulacan.

Dumalo din ang PRRC sa pulong bahagi  ng proyektong Oplan Likas ng pamahalaan, kasama ang iba pang ahensya katulad ng DILG at MMDA  na layong linisin at isaayos ang mga estero at may apektado ding mga residente na nakatira sa  mga estero sa Tondo II.

CARLO V. LOPEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with