^

Punto Mo

‘Kalsada, ginawang parking lot’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SAAN kaya kumukuha ng tibay ng sikmura at lamanloob ang may-ari ng mga malalaking trak sa isang bayan sa Marinduque?

 Sa ipinadalang video sa Kilos Pronto na ipinalabas namin kahapon, kapalmuks ang may-ari ng hardware. Akala niya yata “tapat niya, parking lot niya.”

 Napakalaking manhid. Walang pakialam  kesehodang madisgrasya, maabala at wala nang madaanan ang kanyang mga kalugar.

 Basta siya, prenteng-prenteng nakaupo sa loob ng kanyang tindahan habang sinisipat ang mahabang pila ng kanyang mga sasakyan.

 Sa asta ng kung sinumang talpulanong may-ari, mukhang may padrino sa lokal na pamahalaan. Kaya siguro sobrang-lakas ng loob na ibalandra ang kaniyang ari-arian sa kalsada.

 Ayon sa mga residente ng Bgy. Pag-asa sa Sta. Cruz, delikado raw sa mga bata ang mga nakaharang sa kanilang daanan dahil iyon ay isang residential area.

 Inilapit na rin daw nila ito sa barangay noong nakaraang taon subalit wala raw silang nakitang aksyon.  Ni hindi nawalis ang mga malalaking trak. At mukhang lalo pang lumakas ang loob ng putok sa buhong may-ari sa kanyang katarantaduhan.

 Wala namang masama sa ginagawang negosyo ng mamang may-ari ng hardware and construction supplies sa lugar. Basta siguraduhin lang niya na hindi siya nakakaperwisyo ng kanyang kapwa.

 Paniwala tuloy ng mga nakatira sa Bgy. Pag-asa, nabayaran ang mga namumuno sa kanilang barangay. 

Kapitan, mga konsehal, nagkabigayan nga ba kayo diyan?  Nagtatanong lang po.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

KILOS PRONTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with