^

Police Metro

Cargo ship lumubog... 14 Pinoy seamen missing

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nawawala ang 14 tripulanteng Pinoy habang 2 ang nasagip matapos lumubog ang sinasakyan nilang South Korean cargo ship sa Atlantic Ocean.

Kaya ikinasa na ang search and rescue mission ng Uruguayan Navy at Brazil authorities upang mailigtas ang 14 pang nawawala.

Ayon sa Uruguay Navy, dalawa mula sa 16 Pinoy na nawawala ang nasagip na matapos ang umano’y paglubog ng barkong Stella Daisy, isang malaking Marshall Islands flagged ore carrier na may kapasidad na magkarga ng may 260,000 tonelada.

Ayon sa opisyal na si Gaston Jaunsolo, taga­pagsalita ng Uruguay Navy, apat na barko na ipinadala sa lugar ang nakarekober ng tatlong rafts at nasagip ang dalawang Pinoy crew noong Sabado.

Nabatid na nagpadala ng distressed call ang kapitan ng barko na may sakay na 16 tripulanteng Pilipino at walong Koreano noong Biyernes ng tanghali dahil sa papalubog na sila, may 2,000 nautical miles o 3,700 kilometro ang layo sa Uruguay coast.

Matapos na matanggap ang emergency call, agad na nagpadala ng apat na merchant ships sa lugar sanhi ng pagkakaligtas ng dalawang Pinoy crew.

Naabutan na lamang ng unang dumating na rescue ship sa lugar ang malakas na amoy ng la­ngis at mga debris ng nasirang barko na senyales na lumubog ito.

Bukod sa pagtutulu­ngan ng Uruguayan Maritime Police at isang commercial vessel, nagpadala rin ang Brazil ng kanilang aircraft sa nasabing lugar upang tumulong sa search and rescue mission sa mga nawawalang tripulante.

Ang barko ay nagmula sa pantalan ng Brazil at inaalam pa kung saan ang point of destination nito nang mangyari ang trahedya sa Atlantic Ocean.

Nabatid na inooperate ng South Korean company ang naturang barko pero ito ay isang Marshall Islands flagged.

GASTON JAUNSOLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with