Beach wedding ang iniisip, Iza ayaw munang pabuntis!; Ronnie dinepensahan ang relasyon kay Vice Ganda!
PIK: Inamin ni Iza Calzado na matagal na raw nilang napapag-usapan ng non-showbiz boyfriend niyang si Ben Wintle ang kasal, pero hindi pa sa taong ito magaganap. Medyo matagal pa raw ito.
Sure si Iza sa gusto na kasal muna bago baby. Gusto raw niya na fit na fit at maganda siya sa araw ng kanyang kasal.
Pahayag ng Kapamilya actress, “Mas gusto kong kasal muna. Ang hirap magpapayat. Eh puti pa nga eh ‘di ba? Ang laki pa ng frame ko. Gusto ko payat ako, gusto ko maganda ako sa wedding day ko.”
Kailangan din daw muna nilang mapag-ipunan ang kanilang kasal.
“Mahal din magpakasal, hindi naman biro. Marami pang ibang responsibilidad,” pakli nito.
Kung siya ang masusunod, mas gusto raw niya ay beach wedding dahil kita niya ang nature.
PAK: Umiiwas na pala ang isang guwapo at kilalang political figure na makasama sa isang programa ang kontrobersyal at maingay na female celebrity.
Dati raw kasi ay meron silang isang project na pinagsamahan, pero selosa ang dyowa ng politicial figure dahil may kaguwapuhan nga at macho ang dating.
Nahahalata na tila tipo ni female celeb ang guwapong pulitiko dahil nu’ng mag-leave ang pulitiko sa programa nila ay panay ang absent ng female celeb.
Ngayon ay may broadcasting network na balak silang i-produce ng programa pero tumanggi na ang guwapong pulitiko na makasama ang female celeb. Iiwasan na lang daw niya ito.
Kaya binigyan na rin ng sariling programa ang female celeb na solo lang siya, at ipinalalabas ng babaeng ito na hindi na raw niya isinali ang guwapong pulitiko, dahil kaya niyang mag-isa.
BOOM: Sinagot ni Ronnie Alonte ang isyung pagkaka-link kay Vice Ganda.
Itinuturing niyang pamba-bash itong mga ikinakalat na may relasyon sila ng host ng It’s Showtime at meron pang nagkakalat na may sex video raw silang dalawa.
Sabi ni Ronnie, ‘Yang mga bashers, mema lang eh.
“Grabe nila i-judge ‘yung mga bakla eh. Totoo ‘yan. Grabe nila i-judge ‘yung mga Bi, ‘yung mga bading. Pag kasama nila, dyowa na agad, may something na agad na iniisip? Pero si Vice grabe…‘yung mga make-up artist, may malisya na agad.
“Pero hindi natin ma-explain ‘yan sa mga bashers.
“Pero sobrang okay kami ni Vice, pati ‘yung ibang taong nakakasama ko. Mabait kami sa isa’t-isa, wala kaming relasyon, magkaibigan kaAmi nang buo.”
- Latest