^

PSN Showbiz

Xian ayaw i-give up si Kim

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Katulad ng mga nakaraang Valentine’s Day, isi-celebrate na naman ito ng magka-loveteam na Kim Chiu at Xian Lim nang magkasama at masaya. Ito ay sa kabila ng pangyayaring pinaghiwalay muna sila ng kanilang network. Gusto nilang isipin na para ito sa growth ng kanilang mga karera.

Umaasa silang hindi ito pang-forever at magkakatrabaho sila uli. By that time, napatunayan na rin siguro nila na kaya nilang tumayo sa kanilang mga sariling paa.

Bago mangyari ito ay nagawa na rin nila ang mga bagay na magagawa lamang nila kapag hindi sila magkasama.

Samantala, kung umurong man si Anne Curtis sa isang marathon, tuloy si Kim sa duathlon na sasalihan niya sa March 5. Hindi mo aakalain na kakayanin ng katawan ni Kim ang matinding pagsabak sa sports.

Anne isusugal ang career sa pag-aasawa

Pinaplano na raw ang kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff. Pinakahuli siya sa barkadahan nila nina Georgina Wilson, Isabelle Daza, at Solenn Heus­saff na mag-aasawa. At sa kanilang apat siguro, siya ang may pinakamalaking isa­sak­ripisyo in the name of love. Tanggapin niya na bukod sa pinakakilala sat pinakasikat siya sa kanilang apat ay malaki na rin ang investment niya bilang artista.

Kung ang tatlo niyang mga kaibigan ay hindi naapektuhan ang karera sa biglang pagba­bago ng kanilang estado, ka­ba­ligtaran ito pagdating sa kanya.

Silver anniversary ng Star Magic may official theme song

Twenty five years nang nagma-manage ng mga Kapamilya talent ang Star Magic. Bilang selebrasyon ng kanilang ika-25 anibersaryo, mas ilalapit pa ng Star Magic sa mga sumuporta sa kanila ang mga artistang inaalagaan nila sa pamamagitan ng events at projects.

Sinimulan na ng ASAP noong Sunday ang makulay na pagdiriwang kung saan tampok ang lahat ng kanilang mga artista mula sa sikat na loveteams na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Tommy Esguerra at Miho Nishida, Bailey May at Ylona Garcia, Diego Loyzaga at Sofia Andres, Enrique Gil at Liza Soberano, Julia Montes, Joshua Garcia, at Ronnie Alonte, Elmo Magalona at Janella Salvador, ang champion singers (KZ Tandingan, Jona, Klarisse, Erik Santos, Yeng Constantino, Nyoy Volante, Young JV) at ang itinuturing na biggest Star Magic talents (Piolo Pascual, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria), ang ipinagmamalaking leading men (Matteo Guidicelli, Ejay Falcon, JC de Vera, Jake Cunca, Sam Milby, Gerald Anderson).

Ang mga artista ring ito ang napanood ng media sa big presscon ng Star Magic na in-host nina Jolina Magdangal at Gretchen Ho. Nagbigay ng dance number ang #Hashtags, kasama sina Shaina Magdayao, Enchong Dee, at Rayver Cruz.

Bahagi rin ng malaking selebrasyon ang paglu­lunsad ng official theme song ng Star Magic, ang Ikaw Ang Magic ng Buhay Ko na kinompos ni Young JV at nilagyan ng musika ni J. Lukban. Ini-release na rin ang Star Magic memorabilia na binubuo ng T-shirts, mugs, accessories at cosmetics.

Nagsimula na ring mapanood ang My Dear Heart, A Love To Last at susunod na ang Wildflower, La Luna Sangre, at The Better Half at sa sinehan naman ay babandera na ang My Ex & Whys at I’m Drunk I Love You.

Nakatakda na ring mapanood ang horror movie na Pwera Usog, Northern Lights, at Luck at First Sight, Can’t Help Falling In Love. Mayroon ding Star Magic Tours ang Divas (Yeng, KZ at Angeline), digital concert ni Janella, concert ng Birit Queens (Angeline, Klarise, Jona) at Eric Santos.

At ngayon pa lang ay pinaghahandaan na rin ang Star Magic Ball na magaganap sa September.

 

KIM CHIU AT XIAN LIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with