Krema (90)
“LEX! Lex!’’
Narinig ni Lex mula sa labas. Si Dang!
Dumungaw si Lex.
‘‘Dang, halika tuloy!’’
Pumasok sa bakuran si Dang. Lumabas ng bahay si Lex at sinalubong ang negosyante. May bitbit na maleta si Dang.
“Halika pasok!’’
Pumasok si Dang. Ibinaba ang maleta sa paanan.
‘‘Ang aga mo Dang.’’
‘‘Oo nga. Mabuti na ang maaga. Galing pa ako ng Maynila.’’
“Nasaan ang kasama mo – si Paulo?’’
‘‘Kasama siya sa cargo truck. Baka bukas o makalawa pa ang dating ng mga iyon dahil nakapila sa pier.’’
“Ganun ba?’’
“Wala kang ibang kasama?’’
“Wala ako lang.’’
‘‘Nilinis ko na nga ang kuwarto na tutuluyan mo.’’
‘‘Talaga? Saan ko ilalagay ang maleta ko. Mga dokumento at pera ang laman nito. Ilang pirasong damit lang ang dinala. Puwede naman akong bumili sa bayan ano?’’
“Oo puwede. Akina ang maleta at ako na ang magpapasok sa kuwarto.’’
“Huwag na! Ako na. Kakahiya naman.’’
Ipinasok ni Dang ang maleta. Maya-maya ay lumabas na ito.
‘‘Ang sarap ng simoy ng hangin dito.’’
“Oo. Presko.’’
“Siyanga pala, Lex, saan puwedeng maligo rito? Gusto kong maligo para lalong fresh ang pakiramdam.’’
“Sa batalan. Pero kaila-ngang magbuhos ka gamit ang tabo.’’
‘‘Okey lang.’’
“Pero kumain ka muna. May pagkain akong naka-handa diyan.’’
“Sige. Ang bait mo talaga, Lex. Magkano kaya ang ibabayad ko sa’yo?’’
“Wala yun. Di ba isang buwan ka lang naman dito.’’
Ngumiti lang si Dang.
(Itutuloy)
- Latest