^

Bansa

Para matukoy ang nasa ‘narco list’ Random drug test sa congressmen

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang matukoy kung sino ang nasa “Narco list” ay iminungkahi ni Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves ang random drug test sa mga kongresista.

Sinabi ni Teves na isang dating self-confessed drug addict, bukod sa mga mambabatas dapat ay isama na rin sa random drug test ang mga staff ng mga kongresista at Kamara.

Sa ganitong paraan umano ay makakasiguro na magiging drug-free ang buong Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ang panawagan ni Teves ay sa gitna ng kontrobersiya na mayroong dalawang kongresista buhat sa Mindanao ang drug protector na nauna ng ibinunyag ni Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa pamamagitan umano ng drug test ay magkakaalaman kung sino ang sangkot sa iligal na droga sa hanay ng mga mambabatas.

Sinuportahan din ng kongresista ang panawagan ni Surigao del Norte Rep. Robert Barbers na pangalanan na ang dalawang Narco solon.

Naniniwala si Barbers na hanggang hindi natutukoy ang dalawang narco solon ay laging malalantad ang mga mambabatas sa unfair public speculations sa isyu ng pagiging drug protector.

NARCO LIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with