Helper kisay sa kuryente
COTABATO CITY, Philippines - Patay ang helper ng fruit shake store matapos madikit sa live wire at makuryente sa bayan ng Norala, South Cotabato. Kinilala ang biktima na si Charlie Laud, 20, ng Brgy. Katipunan, Sto. Nino ng nasabing bayan. Lumabas na si Laud ay nakuryente matapos mahawakan ang bakal na poste kung saan nakadikit ang isang live wire. Ito ay habang nagbabantay ang biktima sa pinapasukang puwesto na katabi lamang ng Norala Municipal Hall. Ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival sa Norala District Hospital.
- Latest