^

Punto Mo

Ang Lalaki sa Ilalim ng Kama

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SI Cary ay half Korean, half Filipino. Dito siya sa Pilipinas lumaki at nagtapos ng kolehiyo. Nagkaroon siya ng magandang job offer na magturo  ng English sa isang school sa Korea. Tinanggap niya ito. Namuhay siya doon nang nag-iisa dahil narito sa Pilipinas ang kanyang ama at ina. Para madagdagan ang kanyang kinikita, nagtu-tutor siya ng English sa elementary students. Pinupuntahan siya ng mga estudyante sa kanyang bahay.

Isang araw ay may nangyaring emergency sa magulang ng isang batang lalaki na nagpapa-tutor sa kanya. Nakiusap ang parents na sa kanya na muna  makikitulog ang kanilang anak at kinabukasan na lang ng umaga susunduin. Iisa lang ang bedroom niya kaya ang bata ay sa sahig na natulog habang siya ay sa kanyang single bed.

Pagsapit ng alas kuwatro ng umaga, ginising si Cary ng bata.

“Miss samahan mo ako sa grocery. Nagugutom ako.”

“Ha? Napakaaga pa.”

“Sige na, masakit na ang tiyan ko.” Umiyak-iyak pa ang bata para siya makumbinse.

Walang nagawa si Cary kundi samahan ang bata dahil ang grocery ay nasa tapat lang ng apartment niya. Nang nasa grocery na sila, biglang nagsalita ang bata.

“Miss, may lalaki sa ilalim ng iyong kama. Natutulog siya nang makita ko. Kaya kita pinilit na lumabas para makatawag tayo ng pulis”

Ang lalaki pala ay baliw. May ugali itong namamasok ng bahay at doon manatili hangga’t hindi nabibisto ng may-ari ng bahay. Nang mabalitaan ng kanyang parents ang nangyari, pinilit siyang umuwi na sa Pilipinas at dito na magtrabaho.

Image source: flickr

MS. ANNE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with