^

PM Sports

PSC Children’s Games dinala sa Iligan City

Jose Rodel Clapano - Pang-masa
PSC Children’s Games dinala sa Iligan City

“A martial law nationwide will certainly be a declaration of war against the revolutionary movement. It would practically kill peace negotiations,” Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison told ANC. OPAPP/File

ILIGAN, Philippines - May 300 bata ang tinipon para maglaro sa Philippine Sports Commission’s Children’s Games sa Sgt. Miguel Canoy Memorial Central School nitong July 22-23  sa Iligan City.

Kinupkop ng tahimik na barangay ng Buru-un, 37 kilometers ang layo sa Marawi City, ang daang-daang pamil-ya na na-displace dahil sa nagaganap na kaguluhan.

Ang mga bata mula sa dalawang evacuation centers  malapit sa naturang eskuwelahan ay nagkaroon ng dalawang araw na non-structured sports  at paglalaro bukod pa sa character building sessions at la-rong pinoy.

Layunin ng event na ibsan ang masamang epekto ng nagaganap na krisis sa Mindanao sa pamamagitan ng pagbibigay kasiyahan sa mga kabataan.

Para pansamantalang makalimot ang mga “bakwit children” sa kasalukuyan nilang sitwasyon,  dinala ang Children’s Games sa Iligan City ng PSC  sa pahintulot ng Malacañang at suporta ng iba’t ibang government agencies.

Nagpadala ang Department of Health ng magician  para aliwin ang mga bata kasama ang kanilang mga medical staff.  Nagpadala rin ang Philippine National Police ng isang team para sa seguridad ng grupo.

Sa maikling mensahe ni PSC Commissioner Charles Raymond Ma-xey  bilang kinatawan ni PSC Chairman William Ramirez, sa opening ceremony, sinabi niyang  “this day is for you.  Nandito ang PSC para sa inyo.  Maglaro kayo at maging masaya.  That is what PSC Chairman Ramirez wants to achieve in this activity.”

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with