Bokalistang may piniling mundo, hate na hate ng mga kabanda
Pinatunayan ng kanyang mga kasamahang musikero na may sariling mundo ang isang bokalistang ang turing sa kanyang sarili ay regalo siya ng langit sa mundo ng musika.
Ilang beses nilang napatunayan ‘yun nang makasama nila ang singer sa mga concert, nagkukuwentuhan ang lahat at nagkukumustahan, pero ibang-iba ang kanyang drama.
“Nasa isang sulok lang siya, ayaw makipag-usap sa mga kasamahan niyang musikero, basta nandu’n lang siya habang may nakasalaksak na earphones sa magkabilang tenga niya.
“Natural, maiingay ang mga nandu’n, may kani-kanyang kuwentuhan sila dahil bibihira nga lang silang magkita-kita, biglang gagawa ng eksena ang supladitong bokalista.
“Magkukulubong siya, tatakpan niya ng malaking towel ang mukha niya, ayaw niya siguro sa maingay na kapaligiran pero hindi niya naman ‘yun masabi sa mga nandu’n at baka mapag-initan siya!
“Ibang klase siya, may sarili siyang mundo, pasosi siya na ewan! Papansin ang taong ‘yun, maangas, para bang ang tingin niya sa sarili niya, e, iba sa iba!” naiinis na kuwento ng source.
Impernes, marami naman kasing tagahanga ang bokalista, kapag pumapagitna na siya sa entablado ay parang nakalilimot na ang audience sa katitili at kadadamba na sa kanya.
Patuloy ng aming impormante, “Pero take note, may bilin ‘yun sa production staff bago siya umakyat sa stage! Walang puwedeng umakyat na hahalik sa kanya onstage! Bawal na bawal ‘yun!
“Kaya kapag siya na ang performer, e, may mganakabantay sa stairs, walang puwedeng umakyat para lang humalik, yumakap at makipag-selfie sa kanya! Mahigpit ang bilin niya na kapag nangyariang ganu’n, e, bababa siya ng stage, hindi na siya magpe-perform!
“Matindi siya, never siyang malalapitan ng mga beki, mailap siya sa ganu’n! Pagkakanta niya, takbo na siya agad sa van na nakaabang na sa backstage, iiskiyerda na siya!
“Wala siyang PR, hindi siya nakikipag-usap sa mga kapwa niya musikero, may sariling mundo talaga siya, promise! Ang sarap niyang paluin ng kininis na sanga ng kawayan, ‘di ba naman?” madiin pang kuwento ng aming source.
Ubos!
Daniel nakinabang sa na ano ni Sen. Tito
“Ang suwerte ni Daniel Padilla!” komento ng isang tumawag sa amin. Paanong suwerte, samantalang pinupupog nga ang young actor sa social media dahil sa wala sa tonong pagkanta nito sa Bb. Pilipinas coronation night, ganu’n ba ang masuwerte?
?Sagot ng aming kausap, “Napakasuwerte niya dahil may ipinanganak na mas malaking issue kesa sa walang kalatuy-latoy at walang tono niyang pagkanta, ‘yung kay Senator Tito Sotto!
?“‘Di ba naman siya masuwerte? Instead na siya pa rin ang pinakakain ng apdo sa social media, e, na-divert ang inis at galit ng bayan kay Senator Tito? Umigsi ang bashing kay Daniel!” may punto naman ang komento ng aming kaibigan.
?Sa totoo lang, kapag may mga personalidad na inuupakan ay isa lang ang hiling ng kanilang kampo, ang sana’y may lumabas na mas malaking kontrobersiya na tututukan ng buong bayan.
?Kailangang matakpan ang isyu tungkol sa kanila, dapat may lumabas na mas malaking isyung pagpipistahan, ‘yun lang ang gamot para mamahinga ang mga umuupak sa kanila.
?At nagkatotoo ‘yun kay Daniel Padilla. Nasa tanghalian pa lang ang pag-uupak sa young actor, wala pa sa hapunan, pero biglang sumulpot ang kuwento ng “naano” ni Senator Tito Sotto.
?Nabaling ang atensiyon ng mga bashers sa aktor-pulitiko, siya ang ginawang panghimagas ng buong bayan, medyo nakaligtas si Daniel tungkol sa ginawa nitong pagyugyog sa puno ng cherry blossoms sa Japan at wala sa tonong pagkanta sa beauty pageant.
?Ang kaliwa’t kanang pagbira kay Senator Tito ang nagsilbing damage control kay Daniel Padilla, na iba ang tuon ng publiko, lusot si DJ!
?“May dapat siyang ipagpasalamat kay Senator Tito! Kundi dahil sa isyung ‘naano’ na ‘yun, siguradong hanggang ngayon, e, inuupakan pa rin siya!
?“Pero hindi ‘yun excuse, kailangan pa rin niyang mag-aral kumanta! Batakin niya ang lalamunan niya, para next time, e, wala nang namimintas sa kanya!” pahabol pa ng aming kausap sa kabilang linya.
?Oo nga naman.
- Latest