Cavs, Rockets umiskor sa Game 1
CLEVELAND — Tinanggihan ni LeBron James ang pag-inom ng beer.
At sa halip ay muli niyang pinatumba ang To-ronto Raptors.
Kinuha ni James ang isang bote ng beer sa sideline at tumapos na may 35 points, habang nagdagdag si Kyrie Irving ng 24 markers para pagbidahan ang 116-105 panalo ng Cavaliers laban sa Raptors sa Game One ng kanilang Eastern Conference semifinals series.
Huling naglaro ang Cleveland noong Abril 23 kung saan kinumpleto nila ang four-game sweep sa Indiana Pacers sa first-round playoffs.
Walang naipakitang pangangalawang ang de-fending champions sa pagsagupa sa Toronto, natalo sa Cleveland sa conference finals noong nakaraang taon.
“That was the mystery coming into the game, how we would come out?” sabi ni James. “Obviously you prepare, you want to come out and play well, but you never know after an eight-day layoff. But the energy was phenomenal.”
Mayroon ngayong 1-12 record ang Raptors sa kanilang playoff ope-ners.
Nagtayo ang Cleveland ng 18-point lead sa first half bago nakalapit ang Toronto sa 39-41 ag-wat mula sa pinakawa-lang 19-3 atake.
Ngunit bumalik sa ka-nilang laro ang Cavaliers para muling makalayo sa Raptors.
Kumolekta si Kevin Love ng 18 markers at 9 rebound at humakot si Tristan Thompson ng 11 points at 14 boards para sa Cleveland.
Binanderahan naman ni Kyle Lowry ang Toronto mula sa kanyang 20 points kasunod ang 19 markers ni Demar DeRozan.
Sa San Antonio, kumonekta ang Houston Rockets ng 22 three-point shots para kunin ang 126-99 panalo laban sa Spurs sa Game One ng kanilang Western Confe-rence semis showdown.
Nagsalpak si Trevor Ariza ng limang triples at tumapos na may 23 points para sa Rockets na kinuha ang 34-23 abante sa first quarter at nilimitahan ang Spurs sa 16 points sa kabuuan ng second period.
Humataw si James Harden ng 20 points at 14 assists.
- Latest