Bilang ng jobless na Pinoy bumaba
MANILA, Philippines - Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa ating bansa. Ito ay batay sa latest survey ng Social Weather Stataion (SWS)noong March 25 hanggang 28 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 adult respondents sa buong bansa. Sa survey ng SWS, nakapagtala ito ng 22.9 percent o may 10.4 milyong pinoy ang walang trabaho na mas mababa sa 25.1 percent o 11.2 milyong kataong walang trabaho sa 4th quarter ng 2016. Sa latest SWS survey, sinasabing mula buwan ng Enero hanggang Marso 2017 may 11.2 percent o 5.1 milyong adult ang boluntaryong umalis sa kanilang trabaho, 8.6 percent o 3.9 milyong katao ang nawalan ng trabaho dahil sa personal na dahilan at 3.1 percent o 1.4 milyong katao ang patuloy na naghahanap ng trabaho.
- Latest