^

PSN Showbiz

Miles pangarapmaging movie writer

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Second year college na si Miles Ocampo na kumukuha ng kursong Theater Arts. Nahihilig sa pagsusulat ang aktres kaya nagpaplano itong magpalit ng kurso bago magtapos ang taon. 

“Lumaki kasi ako sa industry na lagi akong nasa harap ng camera. ‘Pag nanonood ako ng sine sinasabi ko, ‘Ay! Ang ganda naman ng lines, ang ganda naman ng eksena.’ So nagkaroon ako ng idea na what if maramdaman ko ‘yung nararamdaman ng writer na ‘pag siya ‘yung nagsulat ng story sa isang pelikula? Tapos nag-apply ako sa scriptwriting workshop ni sir Ricky Lee and sa sobrang dami ng sumali, sobrang swerte ko na isa ako sa mga napili nila and no’ng first day namin sa workshop, sobrang intimidating kasi ako ‘yung pinakabata. Tapos lahat ng kasama ko do’n sa writers sa indie, writers ng mga plays, directors ng mga indie. So parang masaya rin, maganda rin ‘yung meron akong ganyang environment na bago naman. So I’m very happy na naging part ako ng grupo na ‘yon,” naka­ngiting kwento ni Miles. 

Nangangarap ang dalaga na maisapelikula ang kanyang mga maisusulat na kwento sa mga susunod na taon. “Naku! Sana nga po, inaayos pa eh. Pero nasabihan ako ni Sir Ricky na magpi-pitch daw. Ayoko pa siyang pangunahan kasi hangga’t hindi pa siya nangyayari at saka hangga’t hindi pa ako super galing talaga. Pero ipag-pray po natin na someday maging pelikula siya,” pagtatapos ni Miles. 

Bianca todo istima sa nanay ni Fabio

Noong December ay magkasamang nagbakasyon sa Brazil sina Fabio Ide at Bianca Manalo. Natuwa raw ang aktres sa mainit na pagtanggap sa kanya ng pamilya ng kasintahan sa loob ng isang buwang pamamalagi niya roon. 

“Super fun, very Filipino. Lahat sila meat eater, steak eater pero kinakain ko lang chicken and fish. So ‘pag nagluluto ng manok sa akin isang kilong manok. So talagang minake sure nila na inalagaan nila ako nang mabuti,” kwento ni Bianca. 

Ngayon ay ang ina naman ni Fabio ang nasa Pilipinas kaya todo rin ang ginawang pag-iistima ng aktres dito. “Supposedly ‘yung daddy susunod pero biglang ‘di natuloy, basta naging busy sa Brazil kaya ‘di na siya biglang natuloy, sayang nga eh,” pahayag ni Bianca. 

Pakiramdam ng beauty queen-actress ay tanggap naman daw siya ng buong pamilya ni Fabio. “Siguro naman, siyempre nakisama rin naman ako kahit paano, isang buwan ‘yon,” giit ni Bianca. 

MILES OCAMPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with