^

Metro

Pagtatalaga ng MM governor, ok -- Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pabor si Manila Mayor Joseph Estrada sa panuka-la ni dating mayor at ngayo’y Buhay party-list Rep. Lito Atienza, na magkaroon ng halal na gubernador at bise gubernador sa Metro Manila subalit kailangan na kunsultahin muna ang mga alkalde ng 17 lungsod at isang bayan na bumubuo sa Metro Manila.

Ayon kay Estrada, ang  lahat ng  alkalde ay halal ng taong bayan kaya’t dapat lamang na ang mamuno ay halal din dapat ng taong bayan.

Miyembro si Estrada ng Metro Manila Council (MMC), ang policy-making body ng Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA).

Sang-ayon si Estrada sa House Bill 4758 na sinampa ni Atienza na dapat ay halal ng taumbayan ang gubernador at bise gubernador ng Metro Manila upang magampanan nilang mabuti ang kanilang tungkulin, sa halip na maging sunud-sunuran lang sa nag-appoint sa kanila.

Sa halip na MMDA chairman na appointed ng Pangu­lo, naniniwala si Atienza na mas mapapabilis ang pagresolba sa mga problema ng Kamaynilaan tulad ng trapiko kung pinamumu­nuan ito ng isang gubernador katulong ang 17 nakaupong alkalde.

Una na itong pinatupad ng noo’y Pangulong Marcos nang tinatag niya ang Metropolitan Manila Commission (MMC), na ngayo’y MMDA, noong Nobyembre 7, 1975.

Sa halip na eleksyon, tinalaga niya ang kanyang asawang si First Lady Imelda Marcos bilang gubernador ng Metro Manila at si Ismael Mathay, Jr. bilang bise gubernador.

vuukle comment

JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with