Ambush: Opisyal ng Coast Guard, misis todas
MANILA, Philippines - Patay ang isang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) at misis nito nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng isang pick-up at bumibiya-he sa Tondo, Manila kama-kalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sina Lt. Junior Grade (LTJG) Archie Hicban, dating nakatalaga bilang Coast Guard Station Commander sa Naga Camarines Sur at kasaluku-yang sumasailalim sa Coast Guard Command and Staff Course at misis nitong si April Hicban, 38, kapwa residente ng 6 Montmarte Street, Merville Park, Parañaque City.
Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa dalawang suspek na lulan ng isang motorsiklo at nakasuot ng helmet at face mask na tumakas matapos ang insidente.
Sa report ni Det. Marlon San Pedro ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-11:45 ng gabi nang maganap ang pananambang sa Road 10, sa kanto ng Capulong Street sa Tondo, na sakop ng Brgy. 105, Zone 8.
Sa salaysay ng mga barangay tanod sa lugar, lulan ang mga biktima ng isang puting Mitsubishi Strada GLX, (TRO-633), at bumibiyahe sa Road 10 nang ma-pahinto ang mga ito sa stop light, sa kanto ng Capulong Street.
Huminto din sa tabi ng sasakyan ng mga biktima ang motorsiklo ng mga suspek at kaagad silang pinaulanan ng bala, bago nagsitakas.
Tinangka pang iligtas ng opisyal ang misis sa pamamagitan ng pagyakap dito at pagsangga sa mga bala subalit nasawi rin nang masapol sa ulo, dibdib at braso.
Narekober ng mga pulis sa crime scene ang 14 na basyo ng bala at bag ni Hicban, kung saan nakuha ang kanyang driver’s license. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen.
- Latest