^

PSN Showbiz

Atom madalas makipagdiskusyon kay direk Mike

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magbibida sa isang pelikula ang broadcast journalist na si Atom Araullo. Si Mike de Leon ang direktor ng Citizen Jake na pagbibidahan ni Atom. Masayang-masaya ang binata dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang batikang direktor.

Si direk Mike ang gumawa at nagpasikat ng classic films na Kisapmata, Batch ‘81, at Sister Stella L noong dekada otsenta. “Si direk Mike talagang sabihin natin ay very passionate sa kanyang filmmaking. Para sa mga nanonood ng pelikula ay kilala siya at alam kung gaano siya ka-perfectionist. Talagang uncompromising kung ano ang kanyang vision sa pelikula,” pahayag ni Atom.

Dumarating daw sa punto na nagkakaroon ng diskusyon sina direk Mike at Atom dahil magkaibang-magkaiba ang kanilang personalidad. “Kami ni direk Mike ay magkaiba kami ng personalities. So may mga times na may malalimang diskusyon. Pero actually ang dami ko talagang natututunan sa kanya. Alam kong napakaswerte kong makatrabaho ko siya,” kwento ng broadcast journalist.

Makakasama rin ni Atom sa nasabing pelikula si Cherie Gil.

Sharlene San Pedro recording artist na

Maganda ang naging feedback sa ginawang cover ni Sharlene San Pedro ng kantang Paraan na pinasikat noon ng bandang Mayonnaise. Dahil dito ay magkakaroon na ng sariling album si Sharlene na ipo-produce mismo ng lead vocalist ng nasabing banda na si Monty Macalino.

Nagsimula raw ang ideya nang manalo ang kanta ni Sharlene bilang Favorite Remake award sa MYX Music Awards 2017 na ginanap kamakailan. Ngayon ay labingwalong taong gulang na ang dating child star at isa na rin sa mga VJ ng MYX. “Mas na-motivate ako at mas na-realize ko na dapat mas gandahan ko pa ang mga songs na i-release ko. Doon kami nakapag-decide na, sabi ni Sir Monty na, ‘Sige gagawan kita ng album, ako ang magsusulat,’” nakangiting kwneto ni Sharlene.

Ginagawa pa lamang ang album ngayon ng aktres at maire-release raw ito sa mga susunod na buwan. “Nagre-recording pa lang kami para sa track four. So four pa,” giit ni Sharlene.

Tiyak na makare-relate sa album ng dalaga ang mga kabataan ngayon lalo na ang may mga kapareho niyang edad. “Iniba-iba niya ‘yung genre. Kasi sabi ko gusto ko laid back lang, easy listening lang. Hindi siya parang masakit sa tenga. ‘Yung parang gusto mo lang pakinggan kapag nagse-senti ka. Sa tingin ko mas hugot playlist nga ‘yung upcoming album ko eh. So dapat abangan nila dahil kakaiba siya,” pagbabahagi ni Sharlene.

ATOM ARAULLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with