^

PM Sports

Gorayeb gigiyahan ang Bali Pure sa PVL tournament

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos magbigay ng kanyang courtesy resig-nation sa National University ay kinuha naman si coach Roger Gorayeb ng Bali Pure para sa darating na Premier Volleyball League Reinforced Conference.

Gigiyahan ni Gorayeb ang Bali Pure na magpaparada sa mga players ng NU Lady Buldogs at San Sebastian Lady Stags sa torneong magbubukas sa Abril 30 sa The Arena sa San Juan.

Gusto ni Gorayeb na kunin ang kanyang mga NU players na sina Jasmine Nabor, Jorelle Singh, Aiko Urdas at Raisa Sato.

Nabigo si Gorayeb na maipasok ang Lady Bulldogs sa Final Four ng UAAP Season 79 matapos sibakin ng University of Santo Tomas Tigresses, 20-25, 19-25, 25-22, 25-21, 15-12, sa huling araw ng elimination round.

Matapos ito ay kaagad nagsumite si Gorayeb ng kanyang courtesy call para hayaan ang NU ma-nagement na magdesisyon.

Plano din ni Gorayeb na hugutin ang mga pla-yers niya sa Lady Stags na sina Grethcel Soltones at Alyssa Eroa para palakasin ang Bali Pure.

Maliban sa Bali Pure, ang iba pang lalahok sa torneo ay ang Pocari Sweat, Air Force, Iriga, at Creamline, babanderahan ni Alyssa Valdez at hahawakan ni Ateneo coach Tai Bundit.

Samantala, dadalhin naman ng Beach Volleyball Republic squad ang pangalan ng Perlas Lady Spikers sa komperensya.

Sina Charo Soriano, Bea Tan, Amy Ahomiro at Dzi Gervacio ang mangunguna sa koponan na gigiyahan ni University of the Philippines Lady Maroons mentor Jerry Yee.

GORAYEB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with